XXII

47 7 0
                                    


"Feel ko magkakaflight na tayo. Pero 'wag naman sana tumapat ng pasko o bagong taon! Okay na ako ng 26-30 basta iuuwi nila ako ng gabi." ani Mary na kasabay kong pinatawag sa airline.

" 'Yun nga ang kutob ko eh. Bakit tayo pinag-update kung hindi tayo isasalang ng pasko o bagong taon."

Nagpa I.D na kami at nag update ng ilang requirements. Mukhang magkakaroon na nga kami ng flight. Maganda kung gano'n. Nakakaexcite!

Palabas na kami sa opisina ng ACH. Tiningnan ko ang cellphone ko dahil hindi ko na 'yun nacheck sa loob kanina. Sangkatutak na message kay nethy, duke at ParadisCéleste. Missed call naman ang galing kay Ely.

Dukegg:

Text us immediately. We'll be waiting for your updates.

Nethyolks:

Ngayon kayo magkikita ng ParadisCéleste na 'yun, right?

Nethyolks:

Assigned our number on speed dial numbers, so you can contact us immediately when something wrong happens.

Nethyolks:

'Wag kang pabobo-bobo habang kausap 'yung paradis na 'yon! As if gusto niya lang naman talaga makipag-areglo.

Nethyolks:

'Wag kang magpapalinlang pag sinabing maganda ka dahil maganda ka naman talaga, okay?

Napailing na lang ako sa dami ng kalokohang sinabi niya. Inilagay ko nga ang numero nila except sa number ni Ely sa speed dial.

Ang alam ni Ely ay nasa airline ako buong araw habang siya naman ay nasa farmhouse lang daw kasama si aj.

Nagpaalam na ako kay Mary at pumara ng taxi.

"Manong sa coffee shop lang po sa may intersection," ani ko sa driver pagkatapos mabasa ang location na galing kay ParadisCéleste.

Nanlalamig ang mga kamay ko. Natatakot sa posibleng madatnan sa coffee shop. Alam kong delikado makipagkita lalo na sa taong wala akong ideya sa pagkakakilanlan.

Ely has no idea with this meeting. Hindi na akong nag-abala na sabihin pa sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag at hahayaan niya na siya na lamang ang gumawa ng lahat. Ayokong umasa dahil una, problema ko ito. Kaya ko rin naman gawin nang sarili ko lang gaya na lamang ng ginagawa ko ngayon.

Pagkatapos kong mag-abot ng bayad ay dumiretso na agad ako sa coffee shop. Pinili ko ang table na malapit sa pinto.

Hindi na muna ako umorder. I text nethy and duke na nandito na ako at naghihintay na lamang sa hinayupak na 'yun. Nagmessage na rin ako kay ParadisCéleste.

Naghihintay ako sa reply ng may biglang humatak sa upuan na nasa harap ko.

"Excuse me. May nakaupo na r'yan. Papunta na 'yon."

Napaangat ako ng tingin ng hindi siya nagsalita at nanatili ang kamay niya sa sandalan ng upuang hinatak. Namilog ang mata ko nang makita kung sino iyon. Nalaglag rin ang panga ko sa pagkabigla.

"V-vien."

Sumabay pa sa panginginig ng boses ko ang panginginig ng buo kong sistema. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at nagdudulot 'yon ng kakaibang kirot.

He changed a lot..

Tumayo ako. Kaagad nanlambot ang tuhod ko dahil sa hindi maputol niyang titig. "Uhm..A-anong ginagawa mo rito?"

He smiled. "Hindi ba ako puwedeng pumunta rito? I mean, gusto ko ng kape at ito lamang ang pinaka malapit na coffee shop na alam ko."

Hilaw akong napatawa matapos mapahiya. Oo nga naman, klea! Calm down. Bibili lang siya ng kape. That's all.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon