XXI

51 8 0
                                    


Naging misteryoso para sa akin si Ely pagkatapos ng gabing iyon sa bahay niya. Mas mayaman kaya siya kesa sa iniisip ko? Well, hello, may sasakyan siyang ginagamit sa canada at meron din dito at magkaiba 'yun! May sarili rin siyang bahay sa isang exclusive na subdivision. Hindi pa ba siya mayaman noon? Ngayon ko lang talaga naramdaman na kasing hirap ko ang dagang pakalat-kalat sa palengke.

Nasa sasakyan na kami at ihahatid niya na ako pauwi ng maalala ko ang tungkol sa koleksyon niya ng libro. Masyado na akong sabik na makilala ang lalaking tumulong sa akin kaya bigla na lamang sumagi sa isip ko na baka siya na ‘yun.

“May birthmark ka sa katawan?" inosente kong tanong kay Ely na abala ngayong sa pagmamaneho.

Tumawa siya. Hindi ko inaasahan 'yun dahil seryoso ako sa naging tanong ko. Ang normal na tao ay hindi biglang tatawa kung tanungin siya kung may balat ba siya sa katawan. Weird.

"Do you want to see me naked?" tila naghahamon niyang tanong.

Mabilis ko naman siyang hinampas na ikinatawa niya. "Pero sa pwet ka lang may makikitang birthmark. Doon daw may nakitang birthmark si mommy noong bata pa ako. Hindi ko pa nakukumpirma 'yun kaya gusto kong gawin mo 'yon para sa akin," natatawa niyang sabi.

"Kahit kailan hanga rin talaga ako sa utak mo eh 'no? Ang hudas mo mag-isip. Seryoso ako sa tanong ko, paraiso!"

Saglit siyang sumulyap at ngumisi. "And look who's joking. Seryoso rin ako 'no. Sa pwet--"

"Enough. Hindi na ako interesado sa kung anong meron d'yan sa pwet mo," walang gana kong sabi.

Dismayado ako at ipinako na lamang sa labas ang tingin. Ngayon ko lang sasabihin na minsan wala rin siyang kwenta kausap. Plus, umasa rin ako na siya na 'yung hinahanap ko dahil sa wala siyang Milk and Honey sa collection niya ng libro. Kahit na sinabi niyang naiwala 'yun ni may may kutob pa rin ako.

Buong byahe akong naging tahimik at ang tanging iniisip ay paano ko makikita ang lalaking 'yon.

Naisipan kong kausapin ulit si Officer jin para sa update kay ParadisCéleste at para tanungin muli ito for the nth time sa natatandaan niya tungkol sa lalaking nagdala sa akin doon five years ago.

I dial his number at wala pang dalawang ring ay sinagot niya na agad. Kung ganoon hindi siya busy. Mabuti naman.

"Good evening, officer jin," bungad ko.

"Gano'n ba? Iwanan mo na lang 'yan sa ibabaw ng lamesa ko-- oh klea hija napatawag ka. May kailangan ka ba?"

Naramdaman ko naman ang saglit na paglingon ni Ely sa akin.

"Ah opo, officer. Gusto ko lang po tanungin kung may update na po ba tayo kay ParadisCéleste?"

Napahawak ako sa buhok ko habang naghihintay sa sagot ni officer. Narinig ko ang pagbuklat niya sa papel bago sumagot.

"Ah oo meron na, hija. Nakausap ko kanina ang abogado niya."

Nabuhayan naman ako dahil sa narinig. After a month, finally he response again! Dahil ang una niyang naging response ay sa email ni chandler. Pinakiusapan namin siyang burahin ang picture ko dahil nakakatanggap na ako ng death threats galing sa mga obsessed niyang fan dahil nga sobrang sikat siya. Nang hindi siya sumagot ay tinakot na siya ni chandler at sinabing maaari siyang makulong sa paggamit ng walang pahintulot sa larawan ng iba, which is totoo naman. Nainis kaming lahat ng mabasa ang sagot na hindi siya natatakot at kaya niyang harapin lahat kaya tuluyan na kaming nagsampa na ng kaso. Mabilis naman kasi kaming kausap.

Umayos ako ng pagkakaupo at saglit na lumingon sa bintana. Malayo pa pala kami.

"Eh, ano pong sabi?"

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon