"What the fuck are you staring at? " inis kong sabi sa isang staff dito sa studio, kakatapos lang ng photo shoot ko.
"A-Ahmm, s-sorry po Ma'am " sabi niya habang naka-yuko at umalis. Tiningnan ko naman ang aking phone pero hindi ko mabuksan dahil lowbatt, I just shook my head and drink my milk tea.
"Hey Ace" bungad ni KC na kakapasok lang ng dressing room "Tita called me, you're not answering your phone daw" sabi niya sabay upo sa katabi kong upuan.
"Lowbatt" sabi ko at humarap sa kanya "May load ka? Malamang oo kaya paheram ako, just gonna call her" sabi ko sabay hablot sa phone niyang hawak-hawak lamang niya.
"Tsk, ang galing mo rin eh noh? " rinig ko pang sabi niya habang dina-dial ko si Mama, tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan niya lang ako tsaka inagaw saakin ang milk tea na iniinom ko.
[Yes KC, dear?] Sagot mula sa kabilang linya.
"Ma it's me, Asia" pakilala ko.
[Oh ba't napatawag ka?] Ramdam ko ang inis sa boses ni Mama, sakanya ko talaga namana ang kasungitan niya.
"Duh,you're the one who called me nga daw eh" umirap naman ako.
[Watch your tone, young lady!]
"Yeah, yeah sorry Ma, lowbatt cp ko eh" sabi ko naman at rinig ko ang pagsinghap niya.
[Come home,dinner tayo. Kompleto tayo ngayon pag dito ka kakain] kahit di ko siya nakikita ay alam kong naka-ngiti siya.
"Okay Ma, coming" sabi ko naman at napangiti, ngayon na naman kami magkaka sama-samang kumain.
[Bu-bye young lady, see you] sabi niya at pinatay ang tawag. Ibinigay ko naman ang phone ni KC sa kanya.
"Sa bahay na muna ako uuwi, na mi-miss na rin ako ng mga magulang ko" sabi ko sakanya.
"Walang nakaka-miss sa'yo, Ace" sabi niya sabay irap.
"Hey Ian" bati ni KC kay Ian na bagong dating "Kamusta? " naghigh-five naman silang dalawa at tinanguan lang ako ni Ian.
" I'm fine, sorry ngayon lang ako may emergency lang kasi sa kompanya" sabi naman ni Ian.
"As if may magagawa pa ako? " sabi ko sakanya sabay tayo at humarap sa kanya.
"So.. " tiningnan ko muna si KC bago ibaling ang paningin kay Ian " Hindi niya na talaga ako bibigyan ng P.A? " naiinis na tanong ko.
"Pff, You can manage yourself Ace, di mo na kailangan tsaka mahihirapan lang ulit kami maghanap ng bago mong P.A lalo na't choosy ka pa naman" natatawang sabi ni KC.
"K's right Asia, hindi naman mabibigat ang mga schedule mo ah" sabi ni Ian at napahalukipkip.
"Hindi naman talaga, hindi ko naman pasan-pasan ang schedule ko eh" sabi ko naman at umirap sa kaniya.
"Pwahahahaha!! " tumawa naman si KC "Tama ka Ace, di mo naman yun pasan. Hahahahahaha nice! " napa-sapo na siya sa kaniyang tiyan sa kakatawa.
"Oh Jesus. Kung ano man ang problema niyong dalawa sa pag-iisip, please lang ipa-ayos niyo na" inis na sambit ni Ian at tinaasan kami ng kilay at inirapan.
"Eh yung problema niyong dalawa, na-ayos niyo na ba? " tinaasan ko sila ng kilay at nginisihan.
"Ha? " napatigil naman sa kakatawa si KC at nagtatakang tiningnan ako.
BINABASA MO ANG
Asia/Elliot
Romance(No. 1) Asia Lane, one of the most hottest model in town, not just in town but in magazine industry and billboards. Many people become envious because of her beautiful face,long legs and voluptuous body. But beside those characteristics, she is als...