FIFTEEN

9 0 0
                                    

I woke up with a heavy head. Kahit tamad akong tumayo ay tumayo pa rin ako para uminom ng tubig sa kusina. Nahagip naman ng mga mata ko ang aking cellphone.

Sumulpot sa isipan ko ang itsura ni Elliot, so I decided to dial his number. Naka-dalawang dial muna ako bago ito sumagot.

"BAKIT ANG TAGAL MONG SUMAGOT?! " bulyaw ko sa kaniya.

[Sorry, baby. I'm still sleepy.] Parang pagod nitong sagot.

"Bakit?! Anong ginawa mo kagabi?!  Nagkita kayo ni Cyanide? Umano kayo?! " sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Maalala ko lang talaga ang mukha ng babaeng yun, nangagalaita ako sa galit.

[Easy, we called each other last night. Hinintay kitang matulog, remember?]  Natahimik naman ako nang napagtanto kong tama siya. Pero maya-maya lang ay parang natatakam ako ng ice cream.

"Punta ka dito. " sabi ko. " Dala ka ng ube ice cream. "

[Ang aga pa, ice cream na agad. ] sagot naman nito.

"Eh gusto ko eh. " pagmamaktol ko.

Geez, why am I acting this way?!

[Alas-singko palang ng umaga, ice cream na ang hanap. Baka sumama tiyan mo niyan.]  Sabi nito.

"Ayaw mo? Sige, break na tayo! Hindi mo na ako mahal! " naiiyak kong sabi.

What the fuck? What the hell is happening to me?

[Sorry, pupunta na. Wait for me.]  Sabi nito.

"Bili ka din ng gummy worms. " pahabol ko bago pa niya mapatay ang tawag.

[Bakit? ] tanong niya.

"Ihahalo ko sa ice cream. " sabi ko bago pinatay ang tawag.

---

Nang narinig kong bumukas ang pinto ng unit ko ay alam kong si Elliot na 'yon. Dali-dali akong pumunta sa kaniya at kinuha ang plastic na may lamang ice cream at dumiretso sa kusina.

Kita kong naupo lang siya sa harap ko, pero hindi ko nalang siya pinansin. Binuksan ko ang plastic at nilabas ang isang gallon ng ice cream at binuksan. Kinuha ko naman ang isang supot kung saan siguro nakalagay ang gummy worms.

Kita kong namili siya ng mini marshmallows at M n M's pero kinuha ko nalang yung gummy worms at sinimulang ilagay sa ice cream bago pumikit-pikit na sumubo.

"What the? " rinig kong komento ni Elliot.

Tiningnan ko siya at nagsalita kahit puno ang bibig ko. "Gushto mo? "

"You know why I bought marshmallows? " tanong nito.

"I don't know. " sabi ko naman at sumubo muli. Hmmm, ang sarap!

"I expect na yung marshmallows yung ihahalo mo sa ice cream at hindi yang gummy worms. " sabi niya habang naka-ngiwi. Nilunok ko muna ang kinain ko bago lumapit sa kaniya at hinalikan siya na tinugon niya naman.

"Thank you. " sabi ko at lumayo sa kaniya ng may nasinghot akong mabaho.

"You taste like ube. " sabi niya at kinandong ako.

Nagsimula na naman akong kumain pero hindi talaga ako mapalagay sa amoy na 'yon. Sinimulan ko siyang amuyin.

"He-Hey, what are you doing? " pilit siyang umiiwas.

"Ang baho mo. " bigla kong sabi at lumayo naman siyang namumula ang tenga.

"Naligo ako bago matulog noh. " sabi nito. Inamoy ko na naman ang buong mukha niya bago ko inamoy ang buhok niya. Parang may kung anong na trigger sa akin nang maamoy ko iyon at dali-dali akong pumunta sa lababo at nasuka.

Asia/ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon