NINE

8 0 0
                                    

Shit, bakit ganon? Sinapo ko ang aking dibdib. Malakas pa din ang tibok ng puso ko simula nung nangyari kanina. Buti nalang at nakarating na kami sa bar, kaya dali-dali akong lumabas upang pumasok at hinanap si KC, di ko na pinansin ang pagtawag niya at hanggang ngayon ay hindi ko siya pinapansin.

Natauhan ako ng makaramdam ako ng kaonting sakit saking braso. " Ouch! KC, what the fuck? " galit kong sabi kay KC at sinapo ang braso kong kinurot niya.

" Hindi makakapunta si Ian, busy ang moko. " pagbibigay alam saakin ni KC habang naka-upo kami dito sa loob ng isang VIP room ng El lights out. " Kanina pa ako nagsasalita dito tapos lutang ka! Kanina ka pa namumula tapos inaano mo yang dibdib mo! Kanina mo pa yan nilalamas--" dali-dali kong tinakpan ang bibig ni KC, medyo marami na rin kasi siya naka-inom.

"You, freak! Language please, hindi lang tayo ang nandito! " binitawan ko na ang bibig niya at bahagyang tinapik ito ng may kalakasan.

" Ano ba kasing nangyari diyan si dibdib mo at kanina mo pa yan sinasapo? Nilamas-este hinawakan ba yan ni Elli baby? " nginisihan niya ako matapos niya akong tanungin.

"What? No! It's just that. " bumuntong-hininga ako. "Wala lang. "

"Ah okay, pwede kang mag-inom pero wag masyado ah, hindi ka lang sakin ngayon bantay sirado, pati kay Elli baby mo na kanina pa dito nakatingin. " tukoy nito kay Elli, napatingin naman ako dito pero iniwas ko agad ang aking tingin ng makita siyang naka-ngiti habang tinitingnan ako. " Puntahan mo nga! " tinapik ko ang kamay ni KC nang itulak niya ako, buti hindi ako nawalan ng balanse.

"You're drunk, KC. " sabi ko nalang sakanya sabay agaw ng bote sa kamay niya. " That's enough, magagalit si Ian 'pag nalaman niyang nag-iinom ka lang. "

"Bakit magagalit 'yon?! Jowa ko siya, jowa? Wala na 'yong paki saakin mula nung nag-break kami ah! " pilit niyang inaagaw sa akin ang bote pero nilagay ko iyon sa table at hinila si KC upang ma-upo.

"May paki, siyempre we're friends. And remember,  walang kayo, at lalong hindi naging kayo!  Stupid. " natatawang sabi ko at mahinang tinulak ang kaniyang noo.

"WAAAAHHHH!! " nanlaki ang mga mata ko ng humagulgol siya ng iyak, bigla ko namang tinakpan ng kamay ko ang bibig niya, napatingin naman ako sa mga tao dito sa VIP room at humingi ng pasensiya at bumalik naman sa mga ginagawa nila.

" Hoy! Umayos ka! " sabi ko, bigla naman niyang kinuha ang kamay kong nakatakip sa bibig niya at hinawakan.

"Tangina mo eh! Pinamukha mo pa talaga. " naiiyak niyang sabi.

"Aminin mo na kasi sa kaniyang totoo ang sinabi mo noong high school tayo. Sinabi mo pa kasing, I dared you to tell him 'I like you', sinali mo pa ako sa kalokohan mo! " sabi ko at inirapan siya.

"I'm afraid Ace, natatakot akong ma-reject. "

"Why don't you try telling him that you like him ever since we're high school, just let yourself like or love him. Mapapagod ka rin, mawawala din iyang feelings mo. " pagbibigay payo ko. Gusto ni KC si Ian, high school palang kami at hanggang ngayon. Former flings sila noong college kami, pero hindi nag work-out and they decided to stop. Paano ba namang magwo-work-out? Ni hindi nga nila maamin na gusto nila ang isa't-isa. Alam kong gusto ni Ian si KC, pero hindi ko sinabi. Bakit ko sasabihin, ako ba si Ian?

"Wow, maka-payo ka, kala mo may jowa. Ay meron pala, si Elli baby. " sabi niya. " And why bother telling him? He doesn't even like me to be his jowa and now, you're telling me to confess? " pinahid niya ang kaniyang luha.

Asia/ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon