TWENTY

9 0 0
                                    

[Elli, may meeting tayo with the stockholders. Are you coming?] Trini asked me from the other line.

"I will, Trini." Sagot ko habang tinitingnan ang mga papeles sa aking mga kamay.

[Elli.]  Tawag ulit sa akin ni Trini.

"Pupunta nga ako sa mee--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng magsalita ulit ito.

[Bumalik na siya, Elli. She's back. For good.]

Naibaba ko ang mga papeles sa coffee table at napa-upo sa sofa ng aking condo unit. "When? "

[They safely landed last last night.] She answered.

"Thank you for informing me, monkey. " pressed the bridge of my nose using my thumb and index finger.

[Anything for you, gorilla.]  She said before ending the call.

They landed safely. Alam ko ang tungkol sa kambal but I choose not to come near them. She chose to leave me kaya babalik siya kung kelan niya gusto. I waited for her explanation that night but she left me. Kahit gustong-gusto ko na silang lapitan ng mga anak ko, hindi ko magawa.

Alam kong she quit her modelling career. As for me? Singer pa rin ako pero naka-focus na ako ngayon sa aming company.

Napa-tayo ako nang may nag-doorbell. Agad ko din naman iyong binuksan at nakita ko si George kasama ang pamilya niya.

"Hi Elli! " bati sa akin Lilah-George's wife. I smiled at her.

"Dude, iwan muna namin si Grey. Pacheck-up muna namin itong bunso namin. Sabi ko sa lola lang muna siya, pero ikaw yung pinili. " he ruffled his son's hair.

Lumapit naman sa akin si Grey, he's six years old. " Uncle Elli's cool, Dad! And I want him to teach me play the piano. "

Kapag hindi ako busy at kapag gusto ni Grey na pumunta sa akin ay pinapapunta ko siya dito sa condo,nagpapaturo din kasi siya kung paano mag-piano. Kahit papaano ay nalilibang ako sa batang ito.

"Greyson, magpaka-bait sa Uncle Elli ha! " bilin naman ni Lilah.

"Yes kuya! " biglang sabi naman ng bunso nilang si Grace sa bisig ni George.

"What happened to you, Gracie? " tanong ko dito.

She pouted. "I'm having a fever daw po, Uncle Elli. "

"Alis na kami Elli ah. " sabi ni Lilah kaya nagpa-alam na rin si Grey.

"Uncle, I saw the twins in the television earlier. " napatingin naman ako kay Grey.

"Twins? " kumunot ang noo ko.

He looked at me. "Your twins, Uncle. "

"What are they doing there? " parang tangang tanong ko.

"Why can't we just turn it on, Uncle. " tinuro nito ang tv. Kinuha ko naman ang remote at in-on ang tv. Pagbukas ko ay advertisement palang ang nilalabas.

"I don't know if they're still there Uncle, okay? " tumango lang ako sa sinabi ni Grey.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nilabas na ang isang show.

"Welcome to SHOW KIDS! " panimula ng host. " And now, for our another kiddie contestants. With 's because there are two contestants. And they're twins! Please welcome, the Sean Lane! “

Napa-ayos ako ng upo nang sabihin iyon ng host. Sean Lane? Seryoso kong pinanonood ang tv.

At first madilim ang stage but when the piano started playing, unti-unti itong lumilinaw at kasabay nun ang pag-kanta batang babae, I searched for her twin brother and saw him playing the piano.

Asia/ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon