SIXTEEN

8 0 0
                                    

When Tita Carlyn said those words, I felt like jumping really high and shout until my voice fades with so much happiness.

After finding out that Angela's pregnant, I arranged a dinner for the both of our families. I even invited Rod, Mari, Carlo, George, KC and Ian to join us.

"Ang tagal naman ni Kuya! " naiinis na sabi ni Angela sa tabi ko.

Kompleto na kasi kami at si London na lang ang kulang sa amin.

"Calm down, Asia. " natatawang sabi ni Trini kay Asia.

"I can't Ms. Trini! " hysterical na sabi niya.

Pregnancy hormones.

"You can call me Ate Trini, Asia. " sabi ni Trini.

"Really?! " hindi makapaniwalang sabi ni Asia.

"Yup. " tumango naman si Trini.

"Oh my gosh. Thank you, Ate. " wika ni Asia.

"You're always welcome. " sabi naman ni Trini.

"But that can't make my mood a little good. Ang tagal ni Kuya! Busy siya sa pamangkin ni Mayor, pangit naman! " naiinis niyang sabi.

Natahimik naman si Trini. "Are you okay, Trini? " tanong ko dito.

"I am, Elli. Balik na ako sa upuan. " tumango nalang ako at bumalik naman siya sa kaniyang upuan.

"Pag hindi pa siya dadating, mumurahin ko na talaga siya! " galit niyang sabi and as if on cue ay dumating na si London.

"Sorry I'm late, traffic. " sabi nito at umupo sa bakanteng upuan sa gilid ni Trini.

"Ang bilis mo ha, bumalik ka nga muna doon at tumagal ng isang oras sa babaeng 'yon. " sarkastikong sabi ni Angela sa Kuya nito. Tinakpan ko naman ang bibig nito.

"What's wrong with you, Angela Siara? " naningkit ang mata ni London pero inirapan lang siya ng kapatid.

"Sorry London, kanina pa to sa'yo naghihintay eh. " sabi ko nalang kay London.

We started to eat and open some conversation. We're in the midst of our dinner when China spoke.

"So what's with the sudden dinner all about, Elliot? " tanong nito.

Napalunok ako sa kaba. We're not married yet but I got her sister pregnant.

"Don't tell me, you'll marry her?! " natatawang sabi ni India.

"What's wrong with Elliot marrying Asia, diba Tony? " tanong ni Dad kay Tito.

"Aba'y walang kaso iyon, balae. " sagot naman ni Tito.

"Mauunahan pa talaga ni Angela itong si Lorex. " natatawang tukoy ni Tita Annie kay London.

"Itong babae ko nalang ang aking hinihintay. " natatawang sabi naman ni Mommy.

"Oh Mommy. " komento nalang ni Trini.

"Kay ganda mong bata, Trinity. Marami bang nanliligaw sa'yo? " sabi naman dito ni Tita kaya napatigil naman si Trini sa pagsubo at ngumiti lang.

"Nako tita! Kita ko yung cellphone niya nung isang araw. 'When will you accept my proposal? ' daw eh. " natatawa kong sabi kaya nanlalaki ang kaniyang mga matang tinuro ako.

"Bakit mo pinakialaman?! " galit nitong sabi saakin.

"Tapos noong isang araw, may nanghingi ng number mo. " sabi ko.

Asia/ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon