I went to my designated tent and sat on the chair infront of the vanity mirror. I stared at my own reflection and sighed, pero mabilis ding nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Asia sa tabi ko. Namamalikmata na yata ako. Hindi naman yun bastang pupunta dito, galit yun sakin eh.
Sinampal-sampal ko ng mahina ang pisngi ko. "Stop imagining her, Elliot! Hindi yun pupunta dito. " ilang beses akong pumikit-pikit at sa huli ay pumikit na rin. " Don't think about her anymore, Elliot! " pilit kong winawaksi ang imahe niya sa isip ko.
"Should I go already? Wala ka yata sa katinuan. " bigla akong napa-mulat at tiningnan ko siya ng nanlalaki ang mata. "Oh? Gulat ka? " sabi niya at inirapan ako.
Tumikhim ako at tiningnan siya ng seryoso. "What are you doing here? " tanong ko dito.
"U-Uhm, actually. " sabi sabay iwas ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi, napatingin naman ako dun at napalunok. Tempting.
Stop, Elliot. Nag-tatampo ka pa. Hindi naman talaga ako galit, may point naman siya kaya lang nakaka-tampo ang mga sinabi niya. Sinabihan ka ba namang cheap ako?! Malay ko na doon lang pala kami magkikita. Di bale, sa susunod dadalhin ko siya sa Paris para lang mag-date. At tsaka alam ko namang hindi niya ako gusto at hinding-hindi magugustuhan, pinamukha pa niya.
Ibinalik ko ang tingin sa mata niya, kita kong nakatingin siya sakin ngunit umiwas muli. "Actually, what? " tanong ko ulit.
"Look. " napabuntong-hininga siya at tiningnan ako. "I'm sorry if I said those words yesterday. Sorry, not sorry but I really mean those words. " sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "So? What are you trying to imply? "
"Urgh! " napa-sabunot siya ng buhok niya at umirap sa hangin, muntik na akong matawa ngunit pinigilan ko iyon. "I'm trying to apologize here yet you're not even serious! "
Mas sineryoso ko ang aking mukha. " I'm serious here, can't you see? " tipid akong ngumiti. "Ikaw yata dito ang hindi seryoso sa paghingi ng tawad, labas sa ilong. "
"I'm sincere, really, seriously. " sabi niya naman at ngumuso.
"Don't pout, hindi nakakatulong baka hindi pa kita mapatawad. " bagot kong sagot.
"Then what should I do? " tanong nito sa akin at yumuko.
Nagtataka ko naman itong tiningnan. "To what? "
"Para mapatawad mo ako. " she mumbled. Napangiti ako pero agad ko iyong tinago.
"What are you mumbling? Multo kausap mo? Lakasan mo. " sabi ko
"Para mapatawad mo ako. " mahina niyang sagot.
"Ano? " umakto akong hindi narinig.
"PARA MAPATAWAD MO AKO! " sigaw neto at hindi ko na napigilan pang ngumiti.
"Date me. " tipid kong sagot.
"WHAT?! " hindi makapaniwalang sabi neto.
"Okay, then apology not accepted. " sabi ko at kinuha ang cellphone at kunwari ay may tinitingnan.
" Seriously? " kagat-labing tanong neto.
I think I like her. I smiled with that thought. Hindi ko hahayaang ako lang ang mahuhulog Asia Lane. Gagawa ako ng paraan upang magustuhan mo rin ako.
"Yes. " pinatay ko ang phone at tiningnan siya na tinitingnan din ako. "Seriously. "
---
BINABASA MO ANG
Asia/Elliot
Romance(No. 1) Asia Lane, one of the most hottest model in town, not just in town but in magazine industry and billboards. Many people become envious because of her beautiful face,long legs and voluptuous body. But beside those characteristics, she is als...