ELEVEN

9 0 0
                                    

"You want some? " tipid na ngumiti lang siya at umiling.

Kanina pa ha! Kanina ko pa talaga 'to napapansin. Noong sa mall kami, pag tinatanong mo, ngingiti o tatango o di kaya'y iling lang ang isasagot niya.

I sighed and continued to eat my ice cream, nandito kasi kami ngayon sa isang ice cream shop, libre niya. Hapon na din, mga 5 na yata.

"Do you have friends? " tanong ko nalang. Tumango naman siya. Urgh! Hindi nalang ako nagsalita at kumain. Tahimik lang akong nakikiramdam at tuwing titingnan ko siya ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin o di kaya'y sa mga batang naglalaro sa labas.

" Uhm, tapos na ako. Can we go na? " I asked him but instead of anwering me a 'yes' or 'no', tinaas niya lang ang isang kamay niya na parang inuutusan akong maghintay bago tumayo.

Kahit nagtataka ay hinintay ko nalang kung ano pa ang gagawin niya. Kinuha ko nalang phone ko at nag-browse sa internet. After ng ilang minuto ay may humatak na sakin, sisigaw na sana ako nang makita ko si Elliot. Palabas na kami ng ice cream shop nang mapansin ko ang plastic na bitbit niya sa kabilang kamay na naglalaman ng 3 sari-saring gallons ng ice cream at sampung plastic spoons.

Tiningnan ko naman siya. "Mauubos mo yan? " nagtatakang tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot.

Tumigil siya at ngumiti sa kung sino sa unahan namin, napabaling naman doon ang tingin ko. Yung mga batang naglalaro. Bale 6 silang naglalaro.

"Hi kids! " bati niya sa mga bata. Doon lang siya napansin ng mga bata.

"Kuyang Pogi?! " di makapaniwalang bulalas ng batang babae, I think she's 10 already.

"Mukhang dumami kayo ah. " natatawang wika ng kasama ko.

"Kuyang Pogi! Ikaw nga! " bulalas ng iba pang mga bata at yinakap si Elliot napa-layo naman ako kahit hawak niya pa ang kamay ko, di niya alintana ang mga batang basa ng pawis.

"Naku Letlet, tumangkad ka na. Ikaw rin Popoy,maliligawan mo na si Basha! " natatawang sabi nito at ginulo ang buhok ng batang lalake.

"Kuya naman eh, di ko po kasi crush si Popoy. " saad ng batang babae, siya yata si Basha.

"Kuya! Bat ba ang tagal mong nawala? " tanong ng batang si Popoy.

"Nagpa-alam naman ako ah! Sino ba tong tatlong chikiting?" Tanong ni Elliot.

"Ah siya si Lotlot at Penpen. 3 na si Lotlot,6 naman si Penpen, mga kapatid ko po." turo ni Letlet sa isang batang babae at batang lalake. " Ito naman si Buboy, 2 na siya kapatid naman ni Popoy. " turo sa isang cute na batang lalake.

Bumitaw ako kay Elliot at lumapit sa kay Buboy. "Hi little boy. " naka-ngiti kong bati sa bata habang naka-luhod sa harap niya. Namula naman ang bata kaya natawa ako.

"Hala kuya, gerlpren niyo po? Jackpot ah. " rinig kong sabi ni Popoy.

"Akin yan Popoy ah, may Basha ka na eh. " wika ni Elliot.

"Hi Ate Ganda! Ako po si Letlet, sila naman po sina Popoy at Basha! " napabaling naman ang tingin ko kay Letlet, ngumiti naman ako sa kaniya bago tumayo.

"Hi Letlet and kids, I'm your ate Asia. " natatawa kong pakilala.

"Hala maganda na nga, maganda din yung pangalan. " wika ni Basha.

"Maganda ka din naman ah! " sabi ko sa kaniya. Naramdaman kong parang may nakatitig sa akin, napalingon ako sa gilid at nakita kong naka-ngiti si Elliot habang tinitingnan ako, ginantihan ko naman siya ng isang totoong ngiti at kita kong natigilan siya't namula bago umiwas ng tingin.

Asia/ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon