CHAPTER 9
Masama ko syang tininingnan.
"Ay hindi ba?" Sabi ni Arkin kaya mas nainis ako.
"Gago ka talaga." Agad ko syang hinabol.
"Pag ikaw mahuli ko papatayin kitang bweset ka."
"Ehem!" Napatigil kami sa pagtakbo ng marinig ko si papa.
Nagulat ako dahil nakatingin ito sa amin.
Dahan dahag lumapit si Arkin sa akin kaya siniko ko sya.
"Anong ginagawa nyo?" Kumunot ang noo nya.
Patay!
"Ay pa naglalaro lang kami." Sabi ko.
Muntik ko nang matampal ang noo ko sa sinabi ko. Naglalaro talaga!
"Ano kayo mga bata?" Tanong ni papa, nakakunot parin ang noo nito.
"Gagawa lang po ng bata." Biglang sabi ni Arkin kaya napalingon ako dito na nanlaki ang mata.
"Oy pa wag kang maniwa-"
"Anong bata? Gusto mong maputol titi mo? Kahit apo ka ng amo namin wala akong paki."
Napaurong ang dila ni Arkin at hindi na makangiti.
"Boyfriend ka ba ng anak ko?" Tanong ni papa kaya napalunok ako ng laway.
"Pa naman hind-"
"Manliligaw po." Nanlaki ang mata ko.
"Oh bakit di mo pa sinasagot 'to Asha?"
Nabigla ako sa tanong ni papa.
"Papa naman!" Sabi ko.
Nakakahiya, sobra!
"Actually sasagutin na nya po ako ngayon." Sabi ni Arkin at umakbay sa akin.
"Kamay Arkin." Sabi ni papa kaya mabilis nyang tinanggal ang kamay sa balikat ko.
"Sinagot mo?" Tanong ni Papa.
Di ko alam pero napatango ako!
Bweset na gago!
"Limitahan mo Asha. Walang sex sex." Sabi ni papa.
"Hoy papa grabe ka naman!" Sabi ko pero tumalikod na sya.
"Oy girlfriend!" Sabi ni Arkin.
"Pwe. Hindi kita sinasagot." Sabi ko.
"Pero girlfriend na kita sa mata ng papa mo." Sabi nya sabay ngisi.
"Wala akong paki." Sabi ko dito.
"Edi wala rin akong paki. Sa ayaw at sa gusto mo girlfriend na kita."
Nabatukan ko sya.
-To be continued
YOU ARE READING
TWS#4: Playboy's Wife (COMPLETED)
General FictionTHE WIFE SERIES #4: PLAYBOY'S WIFE