CHAPTER 20

4.2K 57 0
                                    

CHAPTER 20



"Sigurado ka na ba sa gagawin mo anak?" Tanong ni Papa.


"Oo pa. Ikaw hindi ka ba sasama sa akin? Ikaw nalang mag-isa rito?" Sabi ko.


Umiling naman si Papa. Binihisan ko ang anak ko.


"Bakit po tayo aalis mama?" Tanong ng anak ko.


"Gusto ko nang lumayo anak. Maraming masasakit na alala dito." Mapait akong napangiti.


Tumahimik ang anak ko.


Nagulat ako ng paglabas namin ng kwarto ay bumungad sa amin si Arkin.


Lalagpasan ko na sana sya pero hinawakan nya ang kamay mo.


"Bitawan mo ako Arkin. Tapos na ako." Sabi ko dito ngunit mahigpit ang hawak nito sa akin.


"Makinig ka sa anak ko Arkin kung ayaw mong putulin ko yang ulo mo." Sabi ni Papa.


"Mag-usap muna tayo." Sabi nya.


"Pa ilabas mo muna si Ares." Malamig na sabi ko dito.


Nang makalabas sila ay agad nagsalita si Arkin.


"Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Tanong nya.


Pait akong napangiti.


"E ikaw bakit ka rin nagsinungaling sa akin?" Tanong ko pabalik rito.


Kumunot ang noo nya.


"Sinabi mo sa akin Arkin na hindi mo sasaktan. Nagtiwala ako sayo." Sabi ko at dinuro sya.Nakatitig lang sya sa akin.


"Alam mo ba nung umalis ka? Inataki sa puso si mama. Nung nalaman nyang wala ka na. Nung nalaman nyang iniwan mo na ako. Namatay sya dahil sa lungkot Arkin." Sabi ko at nagsimula nang umiyak.


"Sobrang hirap nang panahon na iyon Arkin. Nagdadalamhati ako dahil sa pagkawala ni mama at sa pagkawala mo..." Sabi ko at sinusuntok suntok ang dibdib nya.


"Muntik ulit malaglag ang anak mo dahil sa stress ko Arkin..." Sabi ko dito.


"Galit ako, galit na galit. Pero hindi yon nagtagal Arkin ng maalala ko ang sinabi ni mama. 


Darating ang isang taong masasaktan ako, handa rin akong patawarin ka Arkin alam mo ba..."

"Mahal na mahal kasi kita e. Hindi kita matiis. Hindi ko matitiis ang anak ko habang umiiyak 

dahil hinahanap ka nya."

"Sobrang sakit Arkin." Sabi ko dito at napaluhod.


Umupo sya at tiningnan ako sa mukha.


Pinahiran nya ang mukha ko.


Agad nya akong niyakap.


"Patawarin mo ako Asha. Hinding hindi na mauulit. Hindi na kita sasaktan. Mahal na mahal kita..." Sabi nya sa akin habang yakap ako.



"Please marry me." Sabi nya at hinalikan ako sa labi.




-To be continued

TWS#4: Playboy's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now