CHAPTER 4
[Natasha's POV]
Pansin ko talaga nagpapansin ang lalaking ito e.
Ito rin yung lalaking panay titig sa akin.
Akala nya siguro mabilisan lang ako? Hard to get 'to oy!
Nagulat rin ako dahil apo pala sya ng amo ng papa ko.
Medyo hindi ko gusto ang awra nya. Kilos at titig nya palang, malalaman mo na laro lang sa kanya ang babae.
Napailing nalang ako.
"Oh pa." Sabi ko ng makita si papa.
"Uuwi ka na?" Tanong ni papa kay tumango ako.
"Oh pakidala nalang sa bahay mauna ka na. Baka nagugutom na Nanay mo tsaka kapatid mo."
Agad kong inabot ang ulam.
"Sige pa,una na ako." Sabi ko.
"Mag-ingat ka."
"Opo pa." Nagsimula na akong maglakad at umuwi sa bahay.
Nang makauwi ako ay agad akong sinalubong ng bunso kong kapatid.
"Ate!" Magiliw na tawag nito.
"Tara kumain na tayo. Nasaan si Mama?" Tanong ko rito.
Narinig ko ang ubo ni mama kaya di na sumagot ang kapatid.
"Ma, matagal na yang ubo mo ah. Pacheck-up na tayo." Sabi ko dito ngunit umiling lang ito.
"Ano ka ba naman anak. Normal na ubo lang 'to." Sabay nya at umubo ulit.
"Ano ba iyang dala mo?" Tanong nito sabay turo sa plastic na dala ko.
"Ay pinadala ni papa. Ulam 'to. Tara kain na tayo." Sabi ko kay mama at pumunta na sa maliit na kusina.
"Kumusta nga pala ang araw mo anak?" Tanong ni mama kaya napatingin ako dito.
"Ay nako ma, nakilala ko yung maangas na apo ni Don Sanjo. Nakakainis feeling gwapo." Sambit ko pero ang totoo naman talaga sobrang gwapo ng binata, nakakainis lang talaga ako mukha nito.
"Sinong apo dun?" Tanong ni mama.
"Arkin daw pangalan." Sabi nito.
"Ah si Arkin. Mabait na bata yon anak." Sabi ni mama kaya napanguso ako.
"Ang angas nga. Mukha palang, bola na ang tigngin sa babae." Sambit ko sabay nguya ng kanin."Pero anak, wag kang magpapaloko at magpapaapi ha." Sambit nito.
"Oo ma." Sabi ko.
"At dapat marunong ka ring magpatawad at tanggapin ang rason nito dahil dadatin na dadating ang taong sasaktan ka at hihingi ng isa pang pagkakataon."
Napatingin ako sa sinabi ni Mama.
-To be continued