CHAPTER 1

8K 94 0
                                    

CHAPTER 1



Boring naman ng fiesta dito. Mga nagsasayaw na mga tao ay parang nag chacha lang.


Hindi katulad sa syudad na sobrang wild.


Wala din kaming nakitang chicks, sobrang malas talaga!


"Ano ba naman yan ang boring!" Sabi ni Ken.


"Pero ngayon hindi na boring..." Sabi ni Xerdon sabay nguso.


Kaya tiningnan namin ang tiningnan nya.


Sa kalayuan kitang kita ang payat at makinis na babae. Matangkad ito at mahinhin kong gumalaw.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng mapatingin sya sa pwesto namin.


"Bro! Tumingin dito bro!" Sabi ni Xerdon.


"Mukhang si Arkin tiningnan bro, hindi ikaw." Sabi ni Ken at muling sinulyapan ang babae kanina para wala na ito sa puwesto, nadismaya ako.


"Oyyyy, hinanap si Ms. Chinita." Katyaw ni Ken sa akin kaya binatukan ko sya.


"Ganito bro. Pag napaibig mo ang babaeng yon, bilib na talaga ako sayo." Sabi ni Ken.


"Hoy hoy walang pustahan, nakafreeze account ko." Sabi ni Xerdon.


"Same Xerdon, same." Sabi ni Ken sabay tapik sa balikat ni Xerdon.


"Ano game ka ba?" Tanong ni Ken sa akin.


Tumango ako at ngumisi.


Sobrang dali lang nang gusto nito.


"Then here comes the playboy! Go Arkin!" Sabi ni Xerdon kaya nagtawanan kami.


Ready your heart Ms. Chinita, I'll make you fall...



So hard.




-To be continued

TWS#4: Playboy's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now