CHAPTER 19

4K 64 1
                                    

CHAPTER 19



Isang malakas na sampal ang nagpagising sa akin sa pagkahilo.


"You! What face do you have? Ang kapal ng mukha mo para magklat dito sa party namin!" Sabi ni Jessica habang hawak sya ng mommy ni Arkin.


"How dare you to ruined my party huh!" Sabi nya at gusto pa ulit akong sampalin.


Tinitigan ko sya ng masama at tumawa.


Agad nagbulongan ang mga tao.


"Bitawan nyo po sya Tita." Agad binitawan ng Mommy ni Arkin si Jessica.


"Sige sampalin mo ako." Sabi ko at agad syang sumugod sa akin at sinampal ako ng malakas at isa pa.


Pangatlong sampal nya ay nahawakan ko na ang kamay nya.


"Oo! Pwede mo akong sampalin pero hindi kita hahayaang magpasarap ka sa buhay mong tangina ka!" Sinuntok ko sya sa tiyan kaya agad syang napapikit.


"Ikawng tangina ka! Ito para sa pag-agaw mo sa akin kay Arkin!" Isang malakas na sampal ang binigay ko.


"Ito dahil muntik mo nang pinatay ang anak ko." Sinuntok ko ulit sya pero sa ilong na nya.


"At ito pagsampal mo sa akin ng tatlong beses ngayon!" Sinuntok ko ulit sya sa panga.


Hinihingal ako habang nakatingin sa kanya.


Bakit hindi ako pinigilan ni Arkin? Ganito ba ang mahal sa kanya?


"At ikaw Arkin!" Turo ko sa kanya.


"Papakasalan mo ang babaeng 'to? Ito yung babaeng muntik nang patayin ang anak mo potangina!" Napaupo si Jessica habang hawak ang kanyang tiyan.


"Mama..." Rinig kong tawag ng anak ko sa likod.


"Oh ayan Arkin, sabihin mo nga sa akin? Hindi mo ba yan anak? Kamukhang kamukha mo Arkin!" Sabi ko at napaiyak na.


"Pero kung ayaw mo kaming tanggapin,kung ayaw mo akong tanggapin. Hindi mo na kami makikita pa." Sabi ko dito at agad kinarga ang anak palabas.


Pait akong napangiti.


Masaya na ba ako sa naging ganti ko kay Jessica?


Mahal kita Arkin pero suko na ako. Gusto ko nang lumayo.




-To be continued

TWS#4: Playboy's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now