CHAPTER 15

3.8K 59 1
                                    

CHAPTER 15



"The baby is okay now." Rinig kong sabi ng doctor habang nakahiga ako sa hospital bed.


Akala ko ay mawawala na ang baby ko.


"Ayos ka na ba?" Tanong ni Arkin sa akin.


Ngunit hindi ko sya sinagot, nanatili lamang ang mata ko na nakatitig sa kanya.


"Sino ang babaeng 'yon?" Tanong ko dito makalipas ang ilang minuto.


"My...ex-girlfriend." Sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin.


"Ex naman pala! Bakit mo hinalikan?" Tanong ko dito.


Gusto ko syang saksakan sa tiyan para malaman nyang may girlfriend sya!


"Hindi ko sya hi-"


"Ano ba naman 'yan Arkin! Kitang kita ng dalawang mata ko hoy!" Sabi ko dito.


"Alam mo..."


"Maghiwalay nalang tayo." Sabi ko dito kaya nanlaki ang mata nya.


"Hindi pwede Asha..." Sabi ni Arkin.


"At bakit naman hindi Arkin?!" Napasigaw na ako.


"Dahil mahal kita." Sabi nito kaya napaurong ang dila ko.


Tiningnan sya kong totoo nga sinabi nya.


Ngunit peke akong tumawa.


"Paano ba yan? Hindi kita mahal Arkin." Sabi ko dito.


Mahirap magsinungaling!


"Aantayin mo akong mamahalin mo ako..." Sabi nito kaya peke akong napatawa.


"E paano kung sasabihin ko sayong..."


"May iba akong mahal at sya ang ama ng baby ko?" Tanong ko dito.


Napaatras sya.


"Akala ko..." Nagulat ang mukha nito at tila ba tutulo na ang luha.


"Akala mo ano? Sayo 'to? Hindi Arkin!" Sabi nito.


Hinawakan nya ag kamay ko.


"Tatanggapin ko sya. Ako tatayo nyang ama." Sabi ni Arkin kaya mangha akong napatingin dito.


Binawi ko ang kamay ko.


"Mahal namin ang isa't isa Arkin."


"...Kaya umalis ka na. Ayaw na kitang makita." Sabi ko dito.


Sobrang hirap nitong ginagawa ko.


"Pero..."


"Umalis ka na Arkin bago pa kita katayin!" Sigaw ko.


"Wag ka nang magpapakita sa akin kailanman!" Huling sabi ko bago ito nawala sa paningin ko at hindi na bumalik at nagpakita sa akin ng ilang taon.




-To be continued

TWS#4: Playboy's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now