CHAPTER 17

3.8K 60 1
                                    

CHAPTER 17



Agad akong pumunta sa mansyon para kausapin si Arkin.


Nakita ko ito sa garden nila at nagkakape.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang mapatingin sya sa akin.


Kumikislap ang mata nya ngunit agad iyong napalitan ng lamig.


Sobrang lamig ng awra nya. Hindi ko mababasa kung ano ba talaga ang nararamdaman nito.


"Arkin..." Mahinang sabi ko.


Iniwas nya ang tingin nya at muling nagkape.


"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong nito.


"San ka ba nanggaling?" Tanong ko dito at bumagsak ang luha ko.


"Hinanap kita Arkin. Naghintay ako." Sabi ko dito habang tumutulo ang luha ko.


Napahinto sya.


Peke syang ngumiti.


"Hinanap? Kalokohan." Malamig na tugon nito.


"Bakit hindi ka bumalik?" Tanong ko.


Nilingon nya ako at kita mo sa mata nya ang sobrang galit.


"Pinapaalis mo ako tas hahanapin mo ako? Ano ka ba nanggago?" Huminto ang mundo ko sa masakit na salita nya.


"Patawarin mo ako Arkin." Sabi ko rito at yumuko.


"Tapos na ang lahat Asha. Tigilan na natin ang kalokohang ito." Sabi ni Arkin.


"Pero mahal kita. Minahal kita Arkin." Sabi ko at walang tigil na bumagsak ang mga luha.


"Hindi na kita mahal Asha." Sabi nito kaya parang piniraso ang puso ko.


"Pero may an-"


"Who is she hon?" Tanong ng babae at agad umupo sa kandungan ni Arkin.


Pamilyar ang babae.


"She's familiar to me." Sabi nito.


"She's Asha. Asha, this is Jessica..."



"...my fiancé."


At bumagsak na ang mundo ko.




-To be continued

TWS#4: Playboy's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now