CHAPTER 18

3.9K 64 4
                                    

CHAPTER 18



Umuwi akong luhaan.


Nang malaman ko iyon ay aalgad akong tumakbo upang hindi nila makita ang luha, hindi nila makita kung gaano ako kahina.


Nadismaya ko ang sariling puso. Di ko alam na mas kay ikakasakit pa pala ang pag-alis nito kaysa ang ikakasal na ito.


Paano na ako? Paano na ang anak ko, ang anak namin!


Oo na! Nagkamali ako noon pero sapat na dahilan ba yon para umalis sya?


Ang sabi nya mahal nya ako...


Pero sa oras na ito alam ko di sapat ang pagmamahal nya para manatili sya.


Pinunasan ko ang luha ko at magpatatag sa anak ko.


Kung ayaw na nya akong tanggapin pwes titigil na ako.


Kung gusto nya akong nakikita ng nasasaktan pwes sige kung 'yan gusto nya.


Matagal nang patay ang puso ko, sobrang dilim.


Kinabukasan ay may binigay si Papa sa aking invitation letter para sa party mamaya.Ito ang party kung saan iaanunsyo na ikakasal na sila.


Walang hiya inimbitahan pa ako.


Pero dahil gusto kong magmove-on ay gusto kong pumunta.


Gusto kong ipakita sa kanila na matapang ako, na kaya kong mawala na sya ng tuluyan sa akin.

Suot ang formal na dress at nagmake-up ng kunti.


Nilagyan ko rin ng concealer ang ilalim ng mata ko para matakpan ang marka ng pag-iyak ko.Nang handa na ako ay agad akong pumunta sa party.


Iniwan ko si Ares at pinabantay kay Papa. Susunod nalang daw sila dahil may gagawin pa ito.Nang makarating ako ay sobrang engrande ng theme.


Gusto ko 'tong sirain pero ayaw ko namang magskandalo.


Umupo nalang ako sa isang tabi.


Tanaw ko si Arkin at ang pangit na fiancé nito.


Nang magtama ang tingin namin ay ako ang unang nag-iwas ng tingin.


Nang magsimula ang party ay kinabahan ako.


"Let's welcome Mr. Arkin and Ms. Jessica!" Agad nagpalakpakan ang mga tao.May nagsasabing bagay ang mga ito.


Di kaya!


Maraming nag congrats.


"Maraming salamat sa pagdalo nyo. Palakpakan ang engage couple!" Sabi ng Daddy ni Arkin."Any minute we will choose in audience para magbigay ng mensahe para sa couple." Sabi ng emcee.


Lumapit ako sa lamesa at uminom ng wine.


Nakailang baso na ako at nagsimula na ang pagpili ng tao.


Unang pinili ang daddy ni Arkin, sumunod ang ibang pinsan, lolo at Lola at huli ang mommy nya.


"Congratulations sa'yo anak. Akala ko pa naman tatanda ka nang walang asawa nang dahil sa isang babae. Akala ko hanggang don ka nalang. Marami akong gusting sabihin sa'yo pero ang una't huli lamang ay masaya ako para sa'yo at sa inyo.


Sumunod ang mga taong hindi ko ka kilala.


" We heard that one of Arkin's ex is here. Please let us welcome, Ms. Natasha." Nagulat ako sa pagtawag nito.


Agad akong tumayo kahit nahihilo at pumunta sa maliit na stage.


Tumawa ako kaya naweirduhan ang mga tao.


"Oy Arkin ikakasal ka na sobrang saya ko para sayo, sobrang sobrang saya!" Pero tumutulo ang luha ko.


"Gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal parin kita Arkin..." Nagsimula na ang bulong-bulongan ng mga tao.


Habang ako ay nakaktitig lamang sa mga nj Arkin.


"Alam mo bang nagsisi ako sa lahat ng sinabi ko noon? Alam mk bang sinungaling ang lahat nong araw na iniwan mo ako? Mahal kita Arkin. Pero masaya na ako para sa'yo ngayon at inihanda ko na ang sarili sa pagmomove-on..."


"Akalain mo yon? Yung pinagseselosan ko noon sya pala makatuluyan mo. Astig deba? Sobrang sakit Arkin pero masaya rin ako. Ang lito no? Ito rin litong-lito na..." Sabi ko sabay turo sa puso ko.


"Gusto lang kitang pasalamatan dahil minahal mo ako...gusto ko rin magpasalamat sayo Jessica dahil pinahiram mo sya sa akin saglit pero pwede bang..."



"...pwedeng akin nalang ulit sya?"


"...Arkin pwede bang ako nalang ulit? Ako nalang ulit ang mahalin mo, mahal na mahal kita e. Ang sakit dito oh!"


"....sana ako nalang para sa anak natin." Huling sabi ko habang walang tigil sa pagtulo ng mga luha ko.


Pagod akong ngumiti.




-To be continued

TWS#4: Playboy's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now