CHAPTER 16
"Alam nyo ba mama... naiinggig ako sa mga kaklase pag kasama nila ang papa nila." Nagulat ako sa sinabi ng anak.
Sobrang nagsisi ako sa nagawa ko 6 years ago.
Ni hindi man lang sya bumalik. Umalis nalang ito ng walang paalam sa akin.
Galit ako non kaya anong masasakit ang sinabi ko.
Hinanap ko sya. Ilang taon akong pabalik balik sa mansyon nila pero walang Arkin ang bumalik.
Di na bumalik ang nag-iisang minamahal ko.
Hanggang ngayon ay dala ko parin ang bigat dito sa puso ko.
"Mama nakikinig ka ba?" Napalingon ako sa anak.
"Kasalanan ni mama anak..." Pagkwento ko sa anak.
Malungkot akong ngumiti.
"Bakit po mama?" Inosenteng tanong ng anak.
"Hay nako matulog ka na anak. Wag mo nalang itanong yon, baby ka pa at hindi mo pa iyon maiintindihan." Sabi ko dito at mahinang kinurot ang pisngi nya.
"Pero big na po ako." Sabi nito kaya napangiti.
"Mas magiging big ka pa kung matutulog ka na." Sabi ko dito.
"Pag big na ba ako, makikita ko na si Papa?" Tanong nito.
Napahinto ako sa sinabi nang anak at unti unti sinuntok ang puso ko.
Tumango nalang ako.
"Kung ganon mama. Matutulog na ako ng maaga para bukas malaki na ako!" Sabi nito at pumikit na.
Sobrang sakit ng makikita ko ang anak kong ganito, nangungulila sa ama.
Pero nakayanan ni Arkin na hindi ako balikan at hindi ako makita.
Malamang sa malang dahil babaero ito at hindi nauubusan ng babae.
Baka nga hindi sya nasayangan sa akin.
Napaiyak nalang ako hanggang sa makatulog.
Maaga akong nagising at nagluto ng agahan.
"Anak..." Tawag sa akin ni papa kaya napalingon ako.
"Nakita ko si Arkin..." Sabi nito kaya huminto ang mundo ko.
Sobrang galak ng puso ko.
"Kailan lang po?" Tanong ko.
"Kagabi... gusto ko sanang sabihin sayo kaso ayaw kong masaktan ka." Sabi ni Papa.
"Papa naman alam mo namang mahal na mahal ko si Arkin." Sabi ko dito.
"Alam ko 'yon. Pero mas masasaktan ka lang." Sabi nito kaya nangunot ang noo ko.
"Alam kong masasaktan ako Papa." Sabi ko dito.
"Hindi anak... sya nalang ang kausapin mo." Sabi ni papa kaya kinabahan ako ng husto.
-To be continued