Chapter 14

9 2 0
                                    


*~*

Naka labas na nga kami ng police station nga ng sabi ni sir na pwede na kaming umuw.

"Dito na ako,  ingat kayo ah" paalam ni Miguel samin.

Ang pagkaka-alam ko, iba ang daan niya sa daan namin kaya madadaanan niya pa ang LU sa ngayon.

"Teka saan ba daan mo?" tanong naman ni Matteo sa kanya.

"Babalik ako dun" sagot naman ni Miguel sa kanya sabay turo sa direksyon ng daan niya.

"Bale madadaanan ko pa ang LU" dugtong niya.

"Ay sasama na kami, baka dlikado pa kasi" pangangamba naman ni Matteo.

"Safe naman na daw doon, syaka marami pa namang naka paligid na pulis at SWAT doon" sagot naman ni Miguel sa kanya.

"Kaya wag na kayo mag alala" dugtong pa niya.

Medyo natatawa ako kay Matteo, grabe ang pag aalala niya kay Miguel kahit bago niya lang nakilala ito.

"Sige ingat ka ah" ani naman ni Zahra kay Miguel.

"Teka teka, group hug muna tayo" ani ko naman sa kanila.

Nag lapitan naman kaming apat sa isa't isa at nag group hug na nga.

May tumigil naman na jeep sa harapan namin at du kami  nag bitaw bitaw.

"Sige dito na ako ah, salamat ulit sa inyo" ani naman ni Miguel samin.

"Mag iingat ka Miguel" ani naman ni Zahra sa kanya.

Sana naman ligtas ang byahe ni Miguel.

Pumara na nga ng bus si Zahra para maka uw na rin kami agad.

Naka upo na nga kami at dun na lumapit ang konduktor samin para mag bayad.

Kinuha ko naman ang wallet ko sa bag ko para dumukot ng pang bayad.

"Kuya bayad po" ani ko naman sa konduktor sabay abot ng bayad

Kinuha naman ni Matteo ang kamay ko, dahian para di makuha ng konduktor ang bayad ko.

"Teka lang tol, ako na bahala sayo" ani sakin ni Matteo habang hawak ang kanang kamay ko na may hawak na pera.

"Kuya eto po, tatlo po yan estudyante" ani naman ni Matteo sa konduktor.

"Salamat tol" mahinahon kong sabi kay Matteo.

Tahimik lang ako sa byahe habang sila Matteo ay nag kekwentuhan sa tabi ko.

Di lang talaga mawala sa isipan ko ang nangyari kanina, buti na lang talaga naka ligtas kami ni Miguel at Ms. Fabienne.

Hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa grupo, lalong lalo na sa lider, parang hayop ang turing nila sa mga babae.

"Uy tol, kanina ka pa walang imik diyan ah" ani naman sakin ni Matteo.

"A-ah ako, okay lang ako, pagod lang to" sagot ko naman sa kanya at binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana ng bus.

Kamusta na kaya si Ms. Fabienne?

Naka uwi na kaya siya?

Sana okay lang siya.

"Naaawa ako kay Sergio, mukang naapektuhan siya sa nangyari"  narinig ko sabi ni Zahra kay Matteo habang patulo lang ako aka tingin sa labas ng bintana.

"Kaya nga eh, mahal na mahal niya talaga ang LU" sago naman ni Matteo sa kanya.

"Buti na lang talaga naka-ligtas sila" dugtong pa niya.

A Professor's LoverWhere stories live. Discover now