*~*Andito pa rin kami ngayong tatlo sa cafeteria, hinihintay lang namin si Ms. Fabienne. Hindi pa rin mawala ang hiya ko dahil sa pag yakap ko sa kanya.
"May sasabihin pala ako sa inyo" ani samin ni Ms. Fabienne.
"May kailangan kayong malamman" dugtong pa niya
Kinabahan naman ako ng sinabi niya yun.
Ano ba kailangan na malaman namin ni Miguel?
"Ano po ba yun?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Nung araw na nagpa-iwan ako sa inyo ni Miguel sa Garden" ani samin ni Ms. Fabiene.
"Dun ako pinapunta ng unknown caller ko, naka-usap ko siya nung pagka-tapos namin mag meeting ng mga coaches" dugtong pa niya.
Unknown caller?
Sa buong buhay di pa ako nakaka-balita ng ganun, kaya ganun na lang ang gulat ko ng sabihin ni Ms. Fabienne yun.
"Ang kausap kong yun, yun pala ang lider ng grupo na pumasok satin" sagot niya naman sakin.
"Di ko alam kung bakit niya nakuha number ko, akala ko isang player lang na linoloko loko akong papuntahin dun sa garden" dugtong pa niya.
Laking gulat ko na lang namin ni Miguel nang malaman namin na nakausap niya pala ang lider na iyon.
"Ano!" sabay naming sigaw ni Miguel.
Nakakapag-taka lang talaga, paano niya kaya nakuha ang number ni Ms. Fabienne.
*FLASHBACK*
Ms. Fabienne's POVAndito ako ngayon sa tindahan, may mga misteryosong lalake ang naka-tambay dito, no choice eto ang pinaka-malapit na tindahan sa bahay namin eh nagmamadali pa naman ako, magpapa-load sana ako bago pumasok.
Ngayon ko lang din nakita ang mga lalakeng ito dito, mukang hindi sila taga dito at mukang malayong lugar ang pinaggalingan nila.
Kinakabahan tuloy ako.
"Paload po" taag ko sa nag babantay ng tindahan.
"Magkano iha?" tanong ni ate sakin.
"200 po sa SMART" sagot ko naman sa kanya habang kumukuha ako ng pera sa wallet ko.
Patago ko naman sinisilip ang mga tambay, baka kasi may gawin silang hindi maganda sakin, nag iisa pa naman akong babae dito sa labas.
Sana naman wala.
"Number mo iha?" tanong sakin ni ate.
"0-9-4-7-9-6-9-1-2-0-4" sagot ko naman kay ate.
Habang sinasabi ko nga ang number ko kay ate, parang sinusundan ng isang lalake ang sinasabi ko habang nag tatype siya sa phone niya.
Di niya kaya kinukuha ang number ko?
"Sino ba ang mga lalakeng yan?" tanong sakin ni ate habang nag tatype siya sa phone niya.
"Di ko nga po alam eh, ngayon ko lang po nakita ang mga yan dito sa lugar natin" bulong ko naman sa kanya.
"Sige, okay na yung load mo" ani naman ni ate sakin.
"Ingat ka samga yan ah, ganda mo pa naman" bulong niya pa sakin.
"Sige po, salamat" paalam ko naman sa kanya.
Dali-dali naman akong pumara ng jeep para maka-layo na agad sa mga lalakeng naka-tambay dito sa tindahan.
YOU ARE READING
A Professor's Lover
Teen FictionThis story is fictional "Meet Sergio Ocampo, an athlete student from Laquart University that accidentally fall in love with his professor. Sergio Ocampo also have a pain story about he has done a year ago with his childhood bestfriend named Matte...