* ~ *
Eto kakagising ko lang, 4am na, tahimik at madilim pa sa labas. Napa isip ako, parang masyadong maaga ang 4am, okay lang yan kasi lagpas isang oras ang byahe ko at kailangan mga 7 nasa room na ako.
Agad akong bumangon sa kama ko para ayusin ang ito at lumabas ng kwarto para maghanda sa pag pasok ko.
Makalipas ang isang oras, agad-agad na akong umalis para mag byahe papuntang school. Nakalabas na ako ng bahay at bigla akong tinawag ng kaibigan ko.
"Uy Sergio!" tawag neto sakin.
Agad naman akong napa-tigil sa paglalalakad at liningon ko sya.
"Uy Matteo" sagot ko naman sa kanya.
"Grabe naman tawag neto, parang walang tulog na kapitbahay" bulong ko sa sarili ko.
Nang makalapit sya sa akin, inakbayan nya naman ako at tiningan ang mga suot ko.
"Ang ayos ng porma natin ngayon tol ah" sabi nya naman sakin.
Agad naman akong napa-tawa sa sinabi nya.
"Syempre tol, iba talaga kapag 1st day sa school, lalo na at sa paborito kong University na ako papasok" sagot ko naman sa kanya.
Ngumiti naman eto at napa finger snap pa sa sagot ko sa kanya.
"Yun naman pala eh, kaya bilib ako sayo tol e" sagot nya namn sakin.
Napatawa naman ako sa sagot nya at napa-kamot ako sa ulo ko.
"Ano ka ba naman tol, sayo ko nakuha ang ganitong porma" sagot ko sa kanya.
Napa tahimik naman sya sa sinabi ko.
"Ah ganun ba?" tipid nyang sagot.
Inakbayan ko naman eto at inaya maglakad para maka-sakay na ng jeep.
"Oh tara na, baka ma late pa tayo" sabi ko sa kanya.
Ilang minuto pa lang at naka-sakay na kami ng jeep at agad na nag bayad si Matteo.
"Kuya bayad po, dalawang terminal ng bus, estudyante po yan" sabi nya sa driver sabay abot ng bayad.
Nabigla naman ako sa sinabi nya at napa-tingin sa kanya.
"Oh tol, bat dalawa?" tanong ko naman sa kanya.
Napa-tingin naman eto sakin habang binalik nya ang kaniyang wallet sa bulsa nya.
"Hayaan mo na, malakas ka sakin tol" sagot nya naman sakin.
Napa-ngiti naman ako sa sinabi nya.
"Sige ikaw bahala, no choice baka mag tampo ka nanaman sakin"
Napa-kamot na lang sya sa ulo nya at natawa sa sagot ko sa kanya.
Mahigit sampung minuto na ang naka lipas, tahimik ang pumaligid samin ni Matteo hanggang sa maka-baba na kami ng jeep sa dapat ng terminal.
Naglakad kami at nag hanap ng bus papuntang PASAY.
"Ayun PASAY! Tara na!" sigaw ko kay Matteo. Agad kaming tumakbo at umakyat sa bus.
"Parang wala nang bakante tol eh" sabi ko kay Matteo.
"Kaya nga eh" sagot sakin ni Matteo.
Agad namang napa-tingin samin ang konduktor at nag lakad papunta sa amin.
"Yun sa bandang likuran, sakto dalawa bakante doon" mahinahon na sabi samin ni kuya at tinuro ang mauupuan namin.
"Sige po, salamat kuya" sagot ko kay kuya at naglakad na kami ni Matteo papunta sa upuan namin.
Naka-upo na kami ni Matteo sa likod at hinihintay na lang lumapit samin ang konduktor para mag bayad ng pamasahe.
Makalipas ang ilang minuto, Medyo malapit na ako bumaba at nakapag-bayad na rin kami ng pamasahe.
Napa-tingin at napa-tapik naman sakin si Matteo habang ilang minutog katahimikan ang bumalot samin.
"Oh bakit?" tanong ko naman sa kanya.
Napa-tingin naman eto sa akin.
"Kamusta na pala love life natin?" tanong naman neto sakin.
Napa-tawa naman ako sa tanong nya.
"Oh diba, Ikaw ang pinili ng nililigawan natin dati?" sagot ko sa tanong nya.
Napa-tingin naman sya sa akin na naka-simangot.
"Oh baka ngayon nag tatampo ka pa rin sakin ah" mahinahon nyang sagot sakin.
Ako naman ay natawa sa sinabi nya.
"Wala na yun tol, tagal tagal na nun eh" sahot ko kay Mayteo.
"Syaka diba sabi ko sayo, walang masisira sa pagkakaibigan natin kung sinuman ang pipiliin ni Zahra" duhtong ko.
"Ikaw kung ano-ano pinag-sasabi mo eh" dugtong ko naman sa kanya.
Natawa at napa-hawak naman siya sa ulo ko.
"Okay lang naman na wala akong girlfriend eh, basta may relationship Kay Lord" sabi ko sa kanya.
"Syaka baka sa papasukan ko matatagpuan ang para sakin" dugtong ko.
Napatawa naman si Matteo sa sinabi ko sabay hampas sa balikat ko.
"Iba ka tala tol" sambit nya sakin at nag tawanan na lang kami sa isa't Isa.
Makalipas ang ilang minutong kwentuhan namin ni Matteo, tumigil ang bus sa tapat ng papasukan ko.
Agad naman akong tumayo at nag paalam kay Matteo habang sinuot ang bag ko sa balikat ko.
"Oh tol, dito na ako, ingat ka ah" paalam ko Kay Matteo.
Napa-tingin naman ito sakin sabay bato ng candy at sinalo ko naman ito.
"Ingat ka rin tol, yung bilin ko sayo ah" sagot niya naman sakin.
"Sige salamat tol" sagot ko naman sa kanya at tinalikuran ko na sya para bumaba ng bus.
Nauna na akong bumaba ng bus kay Matteo kasi medyo lagpas pa ng school nya sa school ko.
Saktong 6:30 na ng umaga ng makarating ako sa LU (Laquart Unibersity) ko. Naglakad naman ako papunta sa guard para maka-pasok na ng gate.
"Good morning kuya" bati ko kay kuya guard.
"Good morning din" bati rin sakin ni kuya guard.
YOU ARE READING
A Professor's Lover
Teen FictionThis story is fictional "Meet Sergio Ocampo, an athlete student from Laquart University that accidentally fall in love with his professor. Sergio Ocampo also have a pain story about he has done a year ago with his childhood bestfriend named Matte...