Chapter 13

6 2 0
                                    


*~*

Naka labas na nga kami ng campus kasama ang iba pang naka-ligtas sa grupong pumasok sa campus namin.

Naka kalat din ang ibang pulis at SWAT sa paligid, naka kalat din ang ibang reporters at ibang tao na nanggaling sa kanilang mga tahanan.

Habang nasa labas nga kami, nailabas na rin ng mga ibang pulis ang mga ibang miyembro ng grupo.

Habang nilalabas nga ilang katawan sa loob ng campus, may nakita akong isang lalake na nag pupumiglas sa pag hawak ng pulis sa kanya, naka amerikana ito at maraming alahas ang naka sabit sa leeg niya.

Kaya naman linapitan ko naman ito at sinundan naman ako ni Miguel at Ms. Fabienne.

"Teka lang Sergio" tawag sakin ni Miguel.

Nang naka lapit na nga ako at linibot ko naman ang tingin ko sa lalake mula paa hanggang ulo niya.

Baka ito ang lider ng grupo, kaya unti-unting kumukulo ang dugo ko.

"Sir sino po siya?" seryoso kong tanong sa isang pulis.

"Eto ang lider na pumasok niyo iho" sagot naman sakin ng isang pulis.

Lalong uminit na nga ang dugo ko nang malaman ko siya ang lider ng grupo.

Tumiklop na nga ang dalawang kamao ko para suntukin ito.

"Grabe ang pahirap ang ginawa mo samin!" sigaw ko sa lider sabay sinapak ko ito sa muka niya.

Napa higa naman siya sa pagka suntok ko at pumatong ako sa kanya sa pagkaka higa niya at patuloy kong sinusuntok ang muka niya.

Wala akong pakeelam kung ano ag matamaan ko sa kanya, at kung ano ang mangyari sa muka niya para alam niya ang galit ko dahil sa ginawa niya.

Naka posas ang dalwa niyang kamay, kaya wala siyang laban sakin kahit ano ang gawin ko sa kanya.

"Sergio tama na yan" pag aawat saki ni Miguel at hinila niya para maawat niya ako.

Nakatayo na nga ako habang hawak ako ni Miguel at pumagitna na nga ang isang pulis samin para maawat ako.

"Sergio naman" pag mamakaawa sakin ni Ms. Fabienne.

Tinayo naman ng pulis ang lider  at pilit ko pa ring nag pupumiglas sa hawak ni Miguel para sugurin ulit ang lider, ganon na lang nga talaga ang galit ko sa lider.

"Hayop ka!" sigaw ko ulit sa lider habang nag pupumiglas pa rin ako sa hawak ni Miguel sakin.

Inalayo na nga sakin ng dwalawang plis ang lider para matigil na galit ko.

"Sergio tama na" pag mamakaawa sakin ni Ms. Fabienne.

Binitawan na nga ako ni Miguel gawa ng malayo na sakin ang lider at inayos ko naman ang suot kong damit.

Huminahon naman ako nang mag makaawa sakin si Ms. Fabienne at napa titig naman ako sa kanya.

"Ms tara na po para ma-check kayo ng medic" ani ng isang pulis kay Ms. Fabienne na lumapit samin.

"Sige na po Ms. sumama ka napo sa kanila para ma-check ka po nila" ani ko naman kay Ms. Fabienne.

"Ingat po kayo" dugtong ko.

"Kayo rin ni Miguel, mag iingat kayo" paalam samin ni Ms. Fabienne.

Nailayo nga samin si Ms. Fabienne papunta sa medic at may lumapit na isang police officer samin ni Miguel.

"Sumama kayo sakin sa prisinto, kakausapin ko lang kayo saglit" ani samin ni sir.

"Dun na rin kayo iccheck ng medic" dugtong pa niya.

A Professor's LoverWhere stories live. Discover now