*~*
*Kring-kring-kring
Nagising na nga ako sa alarm ng phone ko at 4am na, madilim t tahimik pa sa laba ng bahay.Bigla kong naalala, mag memessage pala sakin si Ms. Fabienne sakin ng ganitong oras para sabihan ako na may pasok ngayon o wala.
May pasok kaya kami ngayon?
Kaya naman binuksan ko ang phone ko sa messenger at nakita ko na nga na nag message na siya sakin.
"Hello Sergio, wala tayong pasok ng gtatlong araw, ganun din sa ibang school dito sa Manila gawa nga nung ng nangyari kahapon. Syaka kailangan pa ma-check ng mga SWAT at pulis ang campus natin. Stay safe Sergio" basa ko sa phone.
Haist. Tatlong araw kami di magkikita ni Ms. Fabienne.
"Sige po Ms. salamat, stay safe rin po" reply ko naman sa kanya.
Pinikit ko ulit ang mga mata ko para maka-tulog na nga ako.
Makalipas nga ang ilang oras, nag alarm uli ang phone ko sa 8am.
Bumangon naman ako agad syaka linigpit ang dapat ligpitin.
Haist salamat, panibagong araw nanaman.Habang nag liligpit ako, bigla ko namang naalala si Ms. Fabienne kay kinuha ko agad ang phone ko at binukas ito sa messenger.
Offline si Ms. Fabienne, baka tulog pa siya, pero mag iiwan pa rin ako nag chat sa kanya kahit offline pa siya.
"Good morning po" sabi ko pa sa chat.
Bumaba na nga rin ako para makapag almusal na, kumukulo na tiyan ko sa gutom.
Binukas ko na nga ang ref at dun ko kinha ang pansit na binigay sakin ni Matteo kagabi.
"Siguro eto na lang muna kakainin ko ngayon" sabi ko pa samay amoy sa pansit.
Habang kumakain na nga ako, nag rig uli ang phone ko at nakita ko na si mama ang tumatawag sakin.
Bakit kaya napa tawag to?
"Hello nak" panimua ni mama.
"Bakit ma?" sagot ko naman.
Tuloy lang ako sa pag kain ng pansit kahit may kausap ako sa phone.
"Haaays, salamat sa Diyos at ligta ka" sabi naman ni mama.
"Teka ano ba yun ma, di ko maintindihan yung pinag sasabi mo" reklamo ko naman.
"Kamusta ka nak sa nangyari sa school niyo kahapon?" tanong niya naman sakin.
"Teka ma, pano mo nalaman?" tanong ko naman sa kanya.
"Syempre napanood ko sa balita" sagot niya naman sakin.
Balak ko sana na wag na sana ipaalam kay nila mama, baka dumagdag pa ko sa iisipin nila.
"Okay lang ako ma, wala naman nangyari saking masama" paliwanag ko naman.
"Kaya wag ka na mag alala, ligtas na kami" dugtong ko.
"Sige nak, lagi ka mag iingat ka diyan ah" sabi naman sakin ni mama.
"Opo ma" sagot ko naman.
"Sige sige be" paalam niya naman sakin sabay ang pag putol niya ng linya namin.
Binuksan ko ulit ang messenger ko, wala pa rin reply ni Ms. Fabienne kaya naisipin kong kamustahin si Miguel.
"Kamusta ka Miguel?" ani ko sa chat.
Naubos ko na nga ang pagkain ko sa lamesa at pumunta na nga in agad sa kusina para mahugasan ko na rin yung mga di ko pa nahugasan kagabi.
Habang nag huugas nga ako, may narinig akong katok sa gate namin.
YOU ARE READING
A Professor's Lover
Fiksi RemajaThis story is fictional "Meet Sergio Ocampo, an athlete student from Laquart University that accidentally fall in love with his professor. Sergio Ocampo also have a pain story about he has done a year ago with his childhood bestfriend named Matte...