Intro

16 5 0
                                    

Sa mga susunod pang taon, Mauubos na ang mga tao dahil sa Giant Exodus na sumasalakay sa planetaria. Ang mga plantasyon na pinoprotektahan ay hindi dapat masira sapagkat ito lang ang tanging pag-asa para mabuhay ang planetaria. Ang mga plantasyon kung saan nakahiwalay ang   bata at matanda   ang syang nag bibigay suporta sa aming mga stamen at pistil. Kami ang mag sisilbing bulaklak sa mundong ito, Magbibigay ng kulay at magandang tanawin at mag bibigay ng magandang kinabukasan para sa mundong ito. Hanggat andito kami sa loob hindi matatapos ang laban na ito. 

Ang mga bata ay nakatakda para sa mechaland o ang tinatawag na lugar ng mga naglalakihan at nag gagandahang mga robot na sinasakyan ng isang mortal na ginagamit sa labanan.  Ang mga bata ay sinasanay at kinokondisyon ang katawan at isipan para sa oras nang pag alis ng mga senior warrior ay sila naman ang hahalili  para protektahan ang mundong ito.

Wala akong alam kung ano ang meron sa labas ng barrier pero ang sinabi lang saamin sa oras na matapos ang labanan na ito ay makakapunta na kami sa hardin na pinapangarap ng lahat ng stamen at pistil na mapuntahan. Kaya hanggat andito ka sa loob ng barrier wala ka ng dapat isipin kung hindi ang Lumaban para mabuhay o ang mamatay ng walang laban. 


Ito ang kwento namin sa loob, ang walang katapusang pag lipad at pakikipag laban. 

Kelan kaya namin makakamit ang tunay na katahimikan?

Taste of Death (KOD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon