Chapter 3: Trial and Error

8 5 0
                                    

"Starflauxx Head Gear Update!" Sigaw ng pistil sa loob ni Starflauxx. 


"Head Gear Update From 100% reducing to 45%. Danger ahead! Repeat Danger Ahead!"- Starflauxx Command. 


Audio  via Starflauxx Radio 


"Kumalma ka! Mag paapdala na kami ng back up ngayon din. Dumistansya ka muna sandali" Paalala ni A1 sa Pistil na nag papagalaw kay Starflauxx. 



Pinatay ng Pistil ang radio niya para hindi na maka pasok ang Command ni A1 kay Star Flauxx. Kitang kita sa monitor mula sa combat lab ang matinding laban ng StarFlauxx at ng Giant Exodus. Hinawakan ni Star Flauxx Ang tentacles na umaatake sa kanya. 


Hinila nya ito pataas para ma reveal ang buong katawan ng Giant Exodus. Nagulat ang mga warrior na nasa Combat Lab ng makita kung gano kalaki ang Exodus na kinakalaban ng StarFlauxx. Inutusan na ni A1 ang Team 07 para sa pagsabak nila sa Battle Field. 


"Wings Failure Time out! "Starflauxx Command. Tiningnan ng Pistil ang partner nitong nag papalipad kay StarFlauxx subalit wala na itong kakayahan para paliparin pa si Starflauxx. Hirap na hirap ang Pistil sa pag control kay Starflauxx ngayon, Ramdam nya ang bigat ng kanyang mecha dahilan para madali syang napatalsik ng Giant  Exodus malapit sa Hall 8.


Dumating na ang back ups ni Starflauxx mula sa Team 07. Pinuntahan na nila ang Giant Exodus para hindi ito makalapit sa Hall 8.


Dahil sa lakas ng impact ng pag tilapon ni StarFlauxx, Nabasag nito ang armor nito at ang headgear nito. Ang armor na 100% ay naging 20% nalang at ang Head Gear nito na 100% ay naging 10% nalang ngayon. Nabitawan ng pistil ang pag hawak sa gear command nito dahil sa lakas ng pag talsik ng Starflauxx. Sugatan narin ito pero may lakas parin ito para controlin ang galaw ni StarFlauxx pero wala na itong lakas para controlin ang pag lipad nito.


"Kailangan natin gumawa ng daan para makita ang core"Command ni Cora habang nakasakay kay Arlion. Sya ang Commander Melee Unit. 


"Kami ang bahala sa tentacles. I set nyo na ang mga mga bombs" Saad ni Egan na nag papalipad sa Asterdum. Sila ang ranged fire unit na umaassist sa Commander Melee Unit at sa Ace.


"Hai! Arista ikaw na ang bahala sa pag deploy" Utos ni Otis sa partner nyang si Arista. Sila ang Siege Artillery Unit, Mostly sila ang nag dedeploy ng bombs at gumagamit ng Guns and Cannons. They can protect their team via distance.


Nagsimula ng gawin ng Team 07 ang kani-kanilang tungkulin kung pano mailalabas ang Core ng Giant Exodus. Dumating na rin ang Re-enforcement mula sa ibang units ng basements para tulungan silang mahanap ang core. 


"Nakita nyo na ba ang core?!" Pasigaw na tanong ni Cora.


"Negative! Masyadong malaki hindi agad makita" saad nina Arete at Astra na isang Melee Unit. 


"Nakita ko na kung nasaan! Nasa itaas ng ulo nito sa bandang gitna"  saad ni Egan kay Cora.


Taste of Death (KOD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon