Chapter 9: Ari

4 2 0
                                    



THIRD PERSON POINT OF VIEW:



Tulog pa si Iota sa kanyang silid ng may biglang pumasok sa kwarto niya. Isang stamen ang naka tayo malapit sa higaan niya at nakatitig sa kanyang mukha habang ito ay natutulog,Ngumiti ang Stamen habang hinahaplos ang buhok ni Iota. 



"Adratos?" Nagising si Iota sa pag haplos ni Adratos sa buhok nito. Sumandal si Iota sa headboard ng kama niya habang si Adratos naman ay umupo sa kama niya malapit sa kanya.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Iota kay adratos.



"Binibisita ka lang. Hindi ka kasi bumaba para masikatan ng araw."Paliwanag ni Adratos kay Iota. Binuksan ni Adratos ang pinto sa Balcony para pumasok ang sariwang hangin sa kaniyang kwarto at pumasok din ang liwanag na galing sa labas.



"Pagod ako kaya hindi ako lumalabas ng kwarto." Mahinang sabi ni Iota.



Ilang sandali pa ay muli na namang nag bukas ang pintuan ni Iota at inuluwa nito si Egan na may dalang tray ng pagkain. Napatingin si Egan kay Adratos na nakaupo sa gilid ng kama ni Iota. 



"Andito ka pala"  Malamig na banggit ni Egan kay Adratos. 



Lumapit si Egan kay Iota habang tinutulak ang Service Tray Cart. 


"Pinagluto kita ng pagkain, Hindi ka kasi kumain ng ayos kaninang umagahan." Binuksan ni Egan ang takip ng pagkain at tumambad kay Iota ang mga karne,kanin at prutas kasama noon ang paborito nyang hot sauce.



Ngumiti lang si Iota kay Egan pero napawi rin ang kaniyang ngiti at tila'y nawalan siya ng ekspresyon. 



"Hindi nyo naman kailangan puntahan ako sa kwarto ko araw-araw. Alam nyo naman na may rules ang basement diba?"



Paalala ni Iota sa dalawang stamen habang binibigyan niya ng malamig na tingin ang dalawang stamen na  halos magkatabi sa pwesto.




"Valid Reason naman yung pinupunta namin dito. Sabi ni A1 alagaan ka namin pag nag stay ka dito sa basement" -Adratos



" At nakakapanibago kasi hindi ka masyadong lumalapit sa amin, Hindi ka din sumasabay sa dinning hall sa oras ng kainan. Kung sasabay ka naman nagmamadali ka laging umalis sa hapag-kainan." -Egan. 

Taste of Death (KOD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon