Chapter 1: Lonesome

14 5 0
                                    


"Mag lalanding na tayo sa loob ng tatlumpong segundo. " anunsyo ng nag papalipad sa spaceship.


"Wala na bang ibibilis to? Gusto ko ng maligo at kumain dahil nagugutom na ako. " Sabi ng isang babaeng gumuguhit sa kanyang mukha ang magandang ngiti subalit may balak na masama.


Lumapit ang babase sa isang lalaki na nakahiga sa emergency bed. Ang lalaki ay puno ng benda ang katawan at may fluids na dumadaloy sa dugo nito. Dinilaan ng babae ang pisngi ng lalaki na kung saan ay may bahid ng dugo. 


"Hindi masarap, Lasang walang pakinabang " komento nito at isinubo na ang lollipop na bigay sa kanya ng lalaki nyang katabi.


"Kumalma ka.Marami ang dugong nawala sa stamen na ito.Hindi nya kinaya ang lumipad kasama mo." saad ng matanda na nakapwesto sa unahan. Kinausap ng matanda ang isang babae tungkol sa vital signs ng lalaking nakahiga sa emergency bed.



"Ari, Anong sitwasyon dito?  " tanong ng babae sa lalaking matikas na nakabantay sa kanya.


"May Ilang reports na maraming naubos na warriors dito dahil sa giant exodus.  "


"Yun lang? nakakamatay talaga ang pagiging mahina " bulong ng babae sa lalaki.


"Hindi tayo papapuntahin dito kung ganito lang ang sitwasyon dito kaya wag kang magiging makulit.Mahihirapan akong bantayan ka" natigil ang pag uusap ng dalawa ng biglang may nag audio in ,



" Five, Four,Three,Two, One  " Hudyat ng pag baba ng spaceship. Tumayo na ang lahat sa pag bukas ng pinto. 


Apat na importanteng tao ang laman nito at labing dalawang armadong stamen. Sa pagbaba nila sa sasakyan at nag libot na sila sa loob ng plantasyon patungo sa main hall. Kusang nag bubukas sa kanila ang mga pinto na kailangan ng authorities access. Ang ibig sabihin noon ay ganon ka importante ang mga dumating sa pagkat hindi nabubuksan ng ordinaryong stamen at pistil ang mga pintuan na need ng access mula sa itas.


" Sapat ang bilang ng mga warrior dito.Meron silang Official Mecha Warrior na maaring makatulong sa kanya.Handa na din ang mga gagamitin gaya ng room for treatment and room nya mismo " Saad ng lalaki sa matanda nitong kasama


"Ihanda nyo ang fluids nya ng makontrol sya." saad ng matanda sa babae nitong katabi 



"Wag nyong hayaan na mawala sya sa paningin nyo kasi mahihira-- " hindi natapos sa pagsasalita ang babae dahil biglang sumingit ang matanda


"Huli na ang lahat. Natakasan na naman kayo " tinuro ng matanda ang binabantayan nito,


Nakita nilang papunta ito sa ibang hall na malayo sa kanila. Kitang kita ang babae na kumakaway na tila nag papaalam at dumila pa sa kanila na parang nang aasar.

Taste of Death (KOD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon