Chapter 06: Team 07

6 5 1
                                    


N POINT OF VIEW:


 Ipinatawag sa plantasyon si Cora para sa importanteng tungkulin na dapat niyang gawin. 


"Bakit ba nag mamadali kang kumain cora?"Tanong ni Arista kay Cora.


"Pinatawag kasi ako sa plantasyon. Importante daw kaya kailangan ko mag punta doon pag tapos na ako kumain" Sagot ni Arista kay Cora. 


Lumapit si Otis sa table ng mga Pistil.


"Hoy penge namang Meat dyan oh." Pangungulit ni Otis sa mga ka grupo niyang Pistil.


"Kunin mo nalang tong meat ko para makapunta na ako sa plantasyon" Ibinigay ni Cora ang Meat nya kay otis.


"Salamat Leader! Napakabait mo talaga" Tila nag nining-ning ang mata ni otis ng kunin niya ang meat ni cora. Tumayo na si Cora 


"Samahan kita?" Tanong ni Bemus na partner niya.


"Hindi na. Maiwan kana dito para tingnan sila" Pagkasaad ni cora ay umalis na siya. Tuloy parin sa pag kain ang mga Pistil at Stamen. 


"Tapos kana ba egan? Parang wala kang nagalaw sa pagkain mo ah" Tanong ni Otis kay Egan. 


"Alam ko kung ano nasa isip mo kaya sa'yo na yan" Pagkasabi ni Egan kay Otis ay kaagad na kinuha ni Egan ang pagkain niya. 


Si Otis ay isang Stamen na may personalidad na mabait,makulit at clumsy kaya parang bata siya kung ituring ni bemus. May taglay itong ka Gwapuhan. ang kulay ng kanyang buhok ay kulay green.


Si Egan naman ay isang Stamen na mahilig mag basa ng libro at hindi siya sociable kahit na gentleman siya. Kaya siya ay naging sikat sa plantasyon dahil bukod sa gentleman siya, nag tataglay din ito ng magandang pangangatawan at kagwapuhan. Ang kulay ng kanyang buhok ay color white.


Si Adratos naman ay isang Stamen na maalaga at tahimik. Sociable siya pero minsan gusto nya lang talagang mag isa. Akala ng lahat kambal si Egan at si Adratos kasi parehas lang sila ng pangangatawan at ka-Gwapuhan. Ang kulay ng kanyang buhok ay color white.


Si bemus naman ay isang stamen na perfectionist kasi ayaw nya maging pabigat kay cora. May kagwapuhan din itong taglay. Ang kulay ng kanyang buhok ay Black.


Pag dating naman sa babae, 


Si Cora ay isang Pistil na may maiksing buhok na kulay itim. Magaling na leader at kaibigan si Cora kaya siya ay sinusunod ng buong members nya. May pag kasungit din siya minsan


Si Arista naman ay may hanggang balikat na buhok at ang kulay ng buhok niya ay blue. May nunal sya sa ilalim ng kanyang mata, Mabait siya at mahilig sa mga halaman. 


Si Arete at Astra naman ay ang Twin Codes. Parehas silang Pistil pero sila lang ang may kakayanan na magpalipad ng isang Flower Mecha. Si Arete at Astra ay halos parehas lang ng figure at ng haba ng buhok. Si Arete ay may Itim na buhok samantalang si Astra naman ay pulang buhok. 


Si Demi naman ay isang Pistil na may Mid back length. Ang kulay ng kanyang buhok ay sky blue gaya ng kay Cora. 


Lahat sa Team 07 ay magaganda, Gwapo at sikat sa iba't-ibang plantasyon. Kaya nga lang wala silang alam sa mga lovelife,pag ibig or physical contact kasi isa iyong pinagbabawal na batas sa mga stamen at pistil. 


"Maia A1, bakit nyo po ko pinatawag?" Bati ni Cora kay A1. Nakarating na si Cora sa plantasyon.


"Pinatawag kita kasi gusto kong malaman mo na simula bukas ay sa inyo muna si Code 04" Nagulat si Cora sa nalaman niya.



"Hindi po ba, hindi po pwedeng makabelong sa tao si Code 04?" Tanong ni Cora.



"Utos iyon ni Lord Vasilious. Ihanda nyo na ang kwarto nya, wag ka mag alalala. Iseperate nyo yung room nya sa room nyo para di kayo mag alala" 



"Siya yung kasama ni Code 014 sa loob ni StarFlauxx diba?"  Tanong ni Cora kay A1. 



"Oo siya nga. Wag kayong mag alala kahit ganon siya ay mabait naman siya. Kami ang kasama nya simula bata palang siya kaya alam kong harmless siya. Makakaalis kana, Inaasahan ko na gampanan mo ang tungkulin mo pag dating nya sa basement bukas. Aasahan ko yan sayo"  Tumango si Cora at nag paalam na kay A1. 



Kaagad na nag tungo si Cora sa basement para masabi sa kanyang Team ang pag dating ni Iota sa kanila.



"Tawagin mo ang lahat may importante akong sasabihin" Utos ni cora kay bemus. Kaagad na tinawag ni Bemus ang mga pistil at stamen na nasa kanilang kwarto. 


Matapos ma kompleto ang lahat ay kaagad na nag simula na si cora sa kanyang iaanunsyo.


"Simula bukas ay dito na maninirahan si Code 04. Ang pistil na nakasama ni Adratos sa StarFlauxx" Nagulat ang lahat sa pagkasabi ni Cora.


"Ha? yung babaeng may sungay?!" Tanong ni demi kay cora.


"Sigurado daw na mabait yon sabi ni Maia kaya wala tayong dapat ikatakot. At naka seperate ang room nya sa room nating lahat. Kaya lilinisin natin ang isang kwarto sa itaas" Pag kasabi ni Cora ng tungkol kay Code 04, napatingin siya sa direksyon ni Adratos at ni Egan. 


something is wrong with them, Ngayon lang nya nakita ang dalawa na mababa ang waves ng mood nila. 


Taste of Death (KOD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon