Chapter 10: Staying

3 1 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW:



Simula nang dumating sa basement si Ari ay nagkaroon ng Special Treatment ang basement ng Team 07 kay Lord Vasilious dahil pinaalam ni A1 kay Lord Vasilious ang lagay ni Iota. Matapos ang nangyari kay Iota ay palagi ng bumibisita si Ari sa Basement.



"Andito na naman siya" sabi ni Astra sa kaniyang mga kaibigan. Ang team 07 ay nakatambay sa living area, Nakita nila na bagong dating si Ari sa basement. May dala itong mga pagkain at bulaklak.



"Araw-Araw na nga siya nabisita dito. Wala ba siyang trabaho sa Plantasyon?"Tanong ni Arete kay Cora.



"Ang alam ko ay siya ang partner ni Maia A1. Mataas ang position niya sa Plantasyon kasi nabibigyan siya ng pabor ni Lord Vasilious" Saad ni Bemus. Habang nag- uusap ang lahat si Egan at si Adratos na nakaupo sa Tig-isang Window Seat ay tahimik parin at tila ay malalim ang iniisip.



"Egan,Kilala mo ba yung Ari na tinutukoy nila?" Tanong ni Adratos kay Egan. Itinigil ni Egan ang pagbabasa ng libro at napatingin sa gawi ni Adratos.



"Ang alam ko kasama niya sina Iota noong nag punta dito sa plantasyon. Nakita ko siya kasama ni Iota noong Mecha Celebration para sa kanya" Tumango nalang si Adratos sa sinabi ni Egan at inisip ni Adratos lahat ng kaganapan noong araw na iyon.



"Naalala ko na. Siya yung laging kasama ni Maia, Madalas ko siyang nakikita sa combat lab pero di naman siya nagpapalipad ng mga unit"Saad ni Adratos. 



Isinandal ni Egan ang ulo niya sa bintana at napatingin sa labas, Iniisip nito lahat ng nangyari kay Iota sa loob ng silid kasama siya. 



"Malalim yata ang iniisip mo Egan" Napatingin si Egan sa gawi nang nagsalita, Nakita niya ang kaniyang partner na si Demi. 



"Ikaw pala yan. Anong kailangan mo?" Saad ni Egan. 



Kilala si Egan bilang isang Stamen na gusto laging mapag-isa pero simula nang dumating si Iota ay gusto niya na laging may nakakasama lalo na kung si Iota ito. Ramdam ni Demi ang malaking pagbabago ni Egan simula nang dumating si Iota sa basement. 



Nagiging malayo narin ang loob ni Egan kay Demi simula nang dumating si Iota sa Basement. 



"Wala naman. Gusto ko lang makausap ka, Tagal kasi natin hindi nag uusap"  Umupo si Demi sa tabi ni Egan subalit hindi na pinapansin ni Egan si Demi at bumalik na si Egan sa dati niyang pwesto na nakasandal ang ulo sa bintana.

Taste of Death (KOD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon