GWL# 25: OFFICIAL

66 13 0
                                    

Note: Typographical and grammatical errors ahead

GAMBLING WITH LOVE

Chapter 25: Official

Rhea Dorielle Andrade

"MALAPIT NA ang sembreak, dre. Hindi pa rin niya ako pinapansin," walang buhay na pahayag niya habang pinupunasan 'yung table.

Busy naman ako sa pag-aayos ng upuan sa pwesto nito. Pauwi na kasi kami at inaayos namin 'yung cafè dahil iba na ang mga magseserve ng coffee sa shift nila. Night shift kumbaga.

"Then let him be. Dalawa lang ang choice mo diyan, Giane. It's either go to him and ask him why, or just let him be and move on."

She sighed before putting back the cleaning materials in the storage room.

Nang matapos rin ako sa ginagawa ko, nagpalit na ako ng damit at inilagay sa paper bag 'yung uniform ko sa cafè. Binitbit ko na rin 'yung bag ko at sandaling inilapag 'yun sa front desk.

Hinintay ko muna si Giane na matapos sa ginagawa niya. Ilang minuto lang matapos si Giane, pumasok na rin sa cafè si Tyler. 'Yung night shift at palit sa amin ni Giane. He nodded his head and went to the comfort room. Magpapalit kasi siya ng uniform ng cafè.

"Sandali na lang, dre. Papalit lang akong damit," Giane made her way to the comfort room but I immediately stopped her. "Bakit?"

"Nasa loob pa si Tyler. Hintayin mo muna matapos. Pupuntahan ko muna si Vin. Magpapaalam lang ako na aalis na tayo."

"Sus. Magpapaalam ka diyan. Araw-araw naman kayong magkatext, dre! Palusot ka pa. Gusto mo lang maka-"

"Shut up," I hurriedly covered her mouth.

Naglakad na ako patungo sa office ni Vin at marahang kumatok sa pinto. Nang hindi naman siya sumagot ay binuksan ko na lang. I saw him peacefully sleeping on his swivel chair. Bahagya pang nakataas ang kanyang paa sa table na nasa harapan niya  habang may librong nakapatong sa mukha niya.

Dahan-dahan akong naglakad sa gawi niya at maingat na inalis ang libro sa mukha niya.

Asar. Bakit kaya gan'on? Kahit nakapikit at tulog ang ayos pa rin ng itsura niya. Gusto ko pa namang mapicturan siya habang tumutulo laway niya.

Dahan-dahan kong inalis 'yung buhok na tumatabing sa mata niya. Napatitig na rin ako sa mga mata niya nang bigla niyang hawakan 'yung kamay ko.

Iminulat niya ang kanyang mata at napangiti nang makita ako.

"Uuwi ka na?" Wala sa sariling napatango ako. "Hatid na kita."

"H... Huh?! 'Wag na!"

Natatarantang ibinalik ko 'yung libro sa mukha niya. Hindi ko sinasadyang napalakas pala 'yung paglagay ko ng libro sa mukha niya kaya napa-aray tuloy siya.

"S... Sorry!" Inalis ko ulit 'yung libro sa mukha niya at inilapag na lang 'yun sa table.

Napaayos tuloy siya ng upo at nagtatakang napatingin sa akin.

"I insist. Ihahatid na kita."

Wala na akong nagawa pa nang tumayo na siya mula sa pagkakaupo. Kinuha niya 'yung susi ng kotse sa drawer ng office table niya pati na ang coat na nakasampay sa coat rack sa gilid ng pinto. Hinila niya ako palabas ng mini office niya at napahinto rin nang mapansin si Giane sa harap, naghihintay sa paglabas ko.

"Ihahatid ko na kayo," nakangiting paanyaya ni Vin.

"Uy, ayos 'yan! Haha, sayang naman," natatawang sagot ni Giane bago nagmamadaling inabot sa akin ang gamit ko.

Gambling With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon