GWL# 44: CONFIRMED

50 12 1
                                    

Note: Typographical and grammatical errors ahead

Gambling With Love

Chapter 44: Confirmed

Rhea Dorielle Andrade


"HINDI TALAGA ako makapaniwalang ginawa mo iyon, dre! Bilib na talaga ako sa'yo!"

Hinubad ko ang suot na sapatos at isinuot 'yung gray fluffy slippers.

"Hindi ako papayag na maging masaya 'yung lalaking iyon kahit na magmukha pa akong kontrabida sa kanila."

"Oo nga, dre. Kontrabida ang datingan natin ngayon, 'no? Is that your way of moving on?"

"Well, I guess this is."

Umakyat ako sa kwarto at agad na napahinga ng malalim.

Sa totoo lang... Hindi ko naman gustong gawin iyon. The thought of Vin getting mad at me is something that I can't afford. Nadala lang ako ng matinding galit kaya ko iyon nagawa.

Kasi naman, bakit ang sama-sama niya?! Siya nakamove on na agad, samantalang ako...

Napaupo ako sa malamig na sahig at naiiyak na napatungo na lang habang nakasandal ang ulo ko sa tuhod . I bawl my eyes out until I can. I cried hard. Wala na akong pakialam kahit marinig pa ni Giane ang iyak ko basta mailabas ko lang iyong sakit na nararamdaman ko.

I felt someone poking my knee so I lifted my head to see it. I cried harder when I saw Snow gently rubbing her fur on me. Kinuha ko siya at niyakap.

"Walang hiya 'yang bumili sa'yo, Snow. Pagkatapos kang iwan sa'kin, pati ako iniwan na rin. Kagatin mo iyon kapag nakita mo, ah?"

I kissed her fur and massaged her head. She barked while wagging her tail at me.

"Good girl..."







PALIHIM AKONG napangiti nang hindi ako napansin ni Giane sa muling pagtakas ko ngayong gabi. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla siyang magsalita.

"At saan ka na naman pupunta, dre? Kinakabahan na ako sa'yo dahil gabi-gabi ka na umaalis ng bahay. Ano bang pinagkakaabalahan mo tuwing gabi?"

Napapikit ako nang tuluyan niya akong mapansin. Akala ko pa naman hindi niya na ako mapapansin dahil busy ito sa pagluluto sa kusina para sa hapunan namin.

"Mag... Magpapahangin lang ako."

"Talaga ba?"

"O... Oo nga."

"Baka naman pumupunta ka ng bar or club para magsaya, ah? 'Di ka nagyayaya, ah?" I boringly gazed at her as if she just stated the most horrible joke she ever said. "HAHAHA! Joke lang naman, dre. Pero seryoso..."

Naglakad siya papalapit habang hawak ang sandok at naniningkit ang mata.

"Saan ka ba talaga pupunta?"

I gulped when she caught me red handed.

"Kasi..."

Ayoko namang sabihin sa kanya na pupunta na naman ako sa café para lang silipin si Vin. Babatukan ako niyan at sasabihang nagpapakatanga na naman sa lalaking iyon.

"Kasi?"

"Kasi... Bibili sana ako ng pizza. Anong flavor ba gusto mo?"

Biglang nagliwanag ang mukha niya kaya lihim akong napahinga ng malalim.

"Hawaiian overload please! Bili ka na rin ng drinks, dre!"

"Okay," natatawang sagot ko.

Mabuti na lang at nakaisip agad ako ng palusot.

Gambling With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon