Note: Typographical and grammatical errors ahead
GAMBLING WITH LOVE
EPILOGUE
Angelo Mervin Henares
"DEAL..." sagot niya bago tanggapin ang alok kong pakikipagkamay.
Lihim akong napangiti sa kanya. Mukhang tama nga ang hinala ko. Balak pa nga talagang sirain ng babaeng ito ang relasyon ng bestfriend kong si Demi. Bakit ba hindi na lang niya hayaan 'yung dalawa? Hirap sa mga babae, ang tagal magmove-on.
Dumiretso ako sa café at naupo sa swivel chair. Kailangan kong mapaibig ang Rhea na 'yan. Para kapag tuluyan na niya akong nagustuhan, hindi na siya manggugulo pa sa dalawang iyon.
Nang malaman kong isa siya sa mga bagong empleyado ko sa café, natuwa ako. Madali na lang para sa akin ang paibigin siya dahil sa café siya nagtatrabaho at malapit lang sa akin.
Bilang unang hakbang sa plano ko, unang araw pa lang ng klase, siya na agad ang hinanap ko. Mabuti na lang at pumwesto siya sa gilid kaya madali ko lang siyang nakita kasama ang pinsan niya.
Ang hirap niyang iapproach dahil napakasungit. Daig pa ang laging may regla sa kasungitan. Mapagtiya-tiyagaan ko pa naman ang kasungitan niya kahit pa-paano.
Hindi rin ako nahirapan sa paghagilap sa kanya dahil mabuti na lang at karamihan sa mga klase ko ay kaklase ko siya.
Ang kaso, hindi ko naman akalain na pati rin sina Demi at Garreth ay makakasama namin sa unang klase. Halos nagdadalawang isip pa nga ako kung lalapit ba ako kaso nakita na ako ni Demi kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit.
"You're my boyfriend, right?" bungad na sabi ni Rhea bago ikinawit ang kamay sa braso ko.
Teka, ano raw?! Boyfriend niya ako?! Kailan pa?! Parang kanina nga lang gusto na niya akong sipain paalis sa harap niya tapos ngayon...
Napatingin ako kay Garreth na magkasalubong na ang kilay sa gawi namin. Agad akong ngumiti at mabilis na inakbayan si Rhea.
"Yup, I'm her boyfriend."
Ramdam kong parang nanigas 'yung katabi ko sa kinatatayuan niya kaya lihim akong natuwa. You just gave me a reason to finally fulfill my plan, Rhea. Napakaganda ng plano mo.
"ANG TAGAL naman ng babaeng iyon," I whispered while blowing the horn of my car.
Medyo natagalan pa kami sa pagbabangayan bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kotse ko. Isasave na nga lang kasi ang pangalan ko sa contacts niya, pahirapan pa.
Napangiti ako nang mapansing inis na inis pa rin siya hanggang ngayon. Nakatingin kasi siya sa labas ng bintana habang may suot na headset. Ni hindi ko pa nga nakikitang pinindot niya ang phone niya kaya paniguradong wala namang music na pinapakinggan iyan.
Tinawag ko siya para makasigurado pero hindi siya lumilingon. Napatigil lang ako nang mapansin ang lihim na pigil na ngiti sa labi niya. Pinaglalaruan ako nito panigurado. I smiled secretly as I think of an evil plan.
"May gusto na yata ako sa'yo..."
Napansin ko ang panlalaki ng mata niya pero hindi pa rin siya lumilingon sa gawi ko. That's automatic. It means she really did hear what I'm saying.
Madali na lang para sa akin ang paibigin ka, Rhea. Mahuhulog ka rin sa akin at tatawanan kita kapag nangyari iyon.
Just like what I always do with my past relationships, I tried making her fall for me with my sweet gestures. Sinubuan ko siya ng pasta tapos susubuan niya ako. Natatawa talaga ako sa itsura niya sa tuwing namumula ang mga pisngi niya sa hiya.
BINABASA MO ANG
Gambling With Love
RomanceWho said that staying in love for long is easy? Rhea knew for sure that it's hard. Kagaya na lamang nang bigla siyang hiwalayan ng boyfriend niya, saying that he's tired from everything. And being the martyr and desperate that she was, hindi siya pu...