Note: Typographical and grammatical errors ahead
Gambling With Love
Chapter 32: Nostalgia
Rhea Dorielle Andrade
"GOOD evening, Rhea. I hope we didn't disturbed you," nakangitinging bungad ni Demi pagkababa ko pa lamang mula sa hagdan.
I automatically smiled and shook my head.
"Don't mind it! I wasn't really that busy."
Lumapit siya at niyakap ako. I hugged her back. Gosh, she smells good!
Since Vin went away to visit his family in the Philippines, paminsan-minsang dumadalaw si Demi sa bahay. Usually naman ay mag-isa lang siya 'pag pumupunta. Ngayon lang naman niya sinama si Garreth dito eh.
She's really kind. Ugghh! I hate how I compliment her this much.
"Sumama na rin si Garreth sa'kin since wala naman siyang ginagawa. Dito na kami magdidinner kung ayos lang? We brought Kaldereta for dinner. Nabanggit kasi sa'kin ni Vin na mahilig ka daw sa Kaldereta," nakangiting saad niya habang inaabot ang dalawang tupperware na naglalaman ng kaldereta.
Mayroon pang salad! Oh my gosh.
"Thank you so much. Nag-abala ka pa talaga. I really appreciate it."
Pinaupo ko muna sila sa couch. I turned the television on to entertain them for a while. Giane was busy doing something on her room. Hindi ko rin siya pinapalabas dahil baka mamukhaan siya ni Demi, especially 'yung ginawa kong pagtago sa C.R. sa isang restaurant dati.
Seriously talking, Demi and I have been getting along for a while. She's actually fun to be with. I regretted that I hated her for being Garreth's new found love. She's actually flawless.
For the time being, I keep them busy by letting them borrow Giane's Wii na binili niya n'ong nakaraan. I don't know kung bakit nahihilig siya sa mga ganyan but I don't mind naman. At least nakakagamit din ako n'on 'pag walang magawa.
Nagluluto ako ngayon ng kanin since iyon lang ang alam kong gawin. Yeah, right. At least I admitted I never learned how to cook. I'll eventually learn it but not now.
Nakatunganga lang ako sa dalawang maglove birds na naglalaro ng Tekken. I was watching them the whole time, pinapanood kung paano matalo si Garreth sa lahat ng round match nila ni Demi.
Ang weak niya! Tinalo siya ni Demi gamit lang si Law. He's using Jin pero hindi man lang niya ma-K.O. 'yung gamit ni Demi. I pity him.
"Ikaw naman ang maglaro, Rhea." Inabot niya sa akin 'yung controller pero umiling ako.
"I'm fine. Mas gusto kong manood na lang."
"Okay. Kapag gusto mong maglaro magsabi ka lang."
Tumango na lang ako. Nanatili akong nakatulala sa TV screen habang iniisip na ngayon lang ako tumanggi sa paglalaro ng tekken. I'm addicted to video games. I'm competitive kaya hindi ako madalas tumatanggi sa ganyan, I don't know why I refused her.
Looking at the two of them, I smiled in sadness. Namimiss ko na talaga si Vin.
I imagined myself with him, playing Wii together. I chuckled secretly. Baka makita kasi nilang tumatawa ako mag-isa at isiping nababaliw na.
Nang sumulak na 'yung kanin, nilapitan ko iyon. I waited for a minute before finally turning the stove off.
Nang makita ni Demi na nagaayos ako ng plato sa hapag, tinulungan niya ako. Nagsandok na lang ako ng para kay Giane at itataas ko na lang sa kwarto para hindi siya makita ni Demi.
BINABASA MO ANG
Gambling With Love
RomanceWho said that staying in love for long is easy? Rhea knew for sure that it's hard. Kagaya na lamang nang bigla siyang hiwalayan ng boyfriend niya, saying that he's tired from everything. And being the martyr and desperate that she was, hindi siya pu...