Note: Typographical and grammatical errors ahead
Gambling With Love
Chapter 28: A wizard's tour
Rhea Dorielle Andrade
"WAIT lang naman."
"Bilisan mo kasi. Ang bagal mo maglakad."
I stared at his back. Nauuna siya sa akin sa paglalakad ngayon at ni hindi man lang niya ako hinintay. Napapagod na kaya ako! Ito ba 'yung tinutukoy niya kanina na babawian niya ako? Tss, boring.
Napayuko ako saglit at dinama ang mga kamay na bahagyang nanginginig sa lamig. Napapagod na agad ako. Kulang lang siguro ako sa exercise.
I lifted my head. I stopped at my tracks when I didn't find Vin anywhere. Nasaan na 'yun? Iniwan niya talaga ako?! Kaasar talaga siya.
I ran as fast as I could to reach him dahil baka hindi pa siya nakakalayo. And there I saw him, standing in front of a store selling different clothes in terms of cosplay and costumes.
Nang lapitan ko siya ay nanatili lang ang tingin niya sa store at parang nag-iisip kung papasok ba siya o hindi.
"Hoy, lalaki. Ano bang ginagawa natin dito?" Napalingon siya sa gawi ko at ginulo ang buhok ko. "Ano ba?! Ang hirap kaya magsuklay tapos guguluhin mo lang."
"Huwag mo nga akong tawaging lalaki."
Natawa ako habang inaayos ang buhok ko na walang pakundangan niyang ginulo.
"Gan'on ba? Bakit? Hindi ka ba lalaki? Gusto mong tawagin kitang... bakla?"
"You're not funny, Honeybunch. Alam kong gusto mo lang ng kiss mula sa'kin."
I pouted and crossed my arms. Ang yabang talaga.
"Kiskis mo sa pader," inis na segunda ko.
Inakbayan niya ako at hinila papasok sa loob ng cosplay store na kanina niya pa tinitingnan.
"Tara sa loob."
I just let him drag me inside. Nakuha ng isang costume ang atensyon ko kaya inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at nagtungo doon. Hinayaan ko lang siya na magtingin-tingin din d'on sa kabilang gilid.
I took the black bunny costume sa clothes rack at pinagmasdan ito. Wait... Ito 'yung bunny outfit ni Mai sa Rascal don't... Ano nga ulit 'yun? I forgot the title though.
Woah. Ang astig naman talaga dito!
"Wear this."
Napalingon ako sa gawi ni Vin nang ibigay niya sa'kin 'yung nakatiklop na... ano 'to?
"What—"
"Basta suotin mo." Itinulak niya ako papasok sa dressing room at kalauna'y isinara ang pinto.
I looked at— Oh my gosh! Totoo ba 'to?!
"Kyaaa~" Hindi napigilang tili ko.
It was a pair of Harry Potter themed Hogwarts robe! With matching scarf and wand pa! I so love this!
Hinubad ko ang suot na winter coat at ipinalit ang robe na hawak. I also put on the scarf on my neck and excitedly swing the wand I was holding. Ang cute!
Binuksan ko ang dressing room at inaasahan kong naghihintay siya sa paglabas ko pero wala siya doon. Nasaan na 'yon?
My thoughts vanished when I saw him getting out of a dressing room beside where I was. He was also wearing the same outfit I'm wearing, ang kaibahan lang ay may suot siyang glasses na katulad ng kay Harry Potter. I smiled instantly. Ang gwapo naman ng Harry Potter na 'to. Kyaaaa~
BINABASA MO ANG
Gambling With Love
RomanceWho said that staying in love for long is easy? Rhea knew for sure that it's hard. Kagaya na lamang nang bigla siyang hiwalayan ng boyfriend niya, saying that he's tired from everything. And being the martyr and desperate that she was, hindi siya pu...