GWL# 26: SANA ALL

67 13 1
                                    

Note: Typographical and grammatical errors ahead

GAMBLING WITH LOVE

Chapter 26: Sana all

Rhea Dorielle Andrade

"SANA ALL may jowa..."

Napatakip akong muli sa tenga nang marinig ko ulit si Giane sa pagkanta. Naikwento ko kasi sa kanya na sinagot ko na si Vin kahapon. Ang rupok ko daw masyado.

Halos kahapon pa siya sa pang-aasar sa akin. Naririndi na nga ako sa boses niya, eh.

"Giane naman. Utang na loob, tigilan mo na 'yang pagkanta mo. Nauumay na ako sa kantang 'yan."

Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang remote sa tabi ko.

"Sana all may jowa!"

I rolled my eyes and took the remote from her. Ang ingay talaga nito.

"Wait... Today's laundry day, right?" pag-iiba ko sa topic.

"Wait, what? Really?! Not again!" She groaned in protest. "How could I forget?" Tumayo ito mula sa pagkakaupo at dali-daling umakyat sa kwarto niya.

And here I thought I won't be having any headaches from Giane, bigla namang tumawag si Vin sa phone ko.

"Problema?" maangas na tanong ko.

"Ano ba namang bungad 'yan, Rhea? Umagang-umaga, eh..."

I frowned after hearing him. Problema nito? Badtrip ako ngayong umaga! 'Wag siyang ano diyan!

"Problema mo ba? Bakit ka napatawag?"

"This is our first day of finally being a couple officially. At least I'm expecting a good morning from my girlfriend, right?" he said, emphasizing the word girlfriend.

"Good morning. Ayos na ba? Ibababa ko na 'to."

"Wait up! Ano bang problema mo?!"

I almost jumped when I heard him shout from the other line.

"Sinisigawan mo ba ako?!"

"I'm not shouting at you!"  Hindi daw pero sinisigawan nga ako ngayon?!

"Anong hindi?! Eh, sumisigaw ka nga ngayon!"

"Hindi naman, ah!"

"Seryoso ka?!" natatawang sagot ko, nangingibabaw ang inis dahil sa pagsigaw niya.

"Uy, nag-aaway ba kayo ni Vin?" Biglang sulpot ni Giane sa tabi ko habang buhat 'yung basket na naglalaman mg mga damit niya.

Hindi ko siya pinansin at pinakinggan lang si Vin sa kabilang linya.

"Kailan ba ako hindi naging seryoso?!"

"Kailan?! Palagi! Madalas! Araw-araw! Hindi mo nga sineseryoso mga sinasabi ko sa'yo!" sigaw ko pabalik.

"Hala, dre. Seryoso ba kayo? Unang araw ng pagiging magjowa ninyo, nag-aaway kayo? Aba naman. Ibang klase kayo. Nakakagulat naman."

"I'm always serious whenever you're with me. I'm always serious when it comes to you."

"Talaga lang, ah? Eh bakit ka nagagalit ngayon?!"

"Hindi nga ako nagagalit!"

Gambling With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon