GWL# 41: TRAGIC VALENTINE

63 12 1
                                    

Note: Typographical and grammatical errors ahead

Gambling With Love

Chapter 41: Tragic Valentine

Rhea Dorielle Andrade



"KASAMA ba sa plano na magalit ka sa akin dahil sa pakikipag-away ko kay Miriam?"

Pansin ko ang pagpipigil ng ngiti sa labi niya habang kinakain niya 'yung steak na nakahain sa mesa.

Hindi niya sinagot 'yung tanong ko at kagat-labi pa rin habang kumakain. Pacute pa 'tong isang 'to. Akala naman niya umeepekto mga ganyang charms niya sa akin.

"Hoy, ano nga?"

"Well, hindi talaga kasama sa plano na magalit sa iyo. Hindi naman talaga kasi ako dapat galit, proud pa nga ako sa'yo eh."

Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Proud pa siya sa'kin? Bakit naman?

"Proud ka pa? Bakit?"

"I'm glad she didn't ruined your face. I don't know what will I do if she really ruined it."

"Mas concerned ka pa sa mukha ko kaysa sa sugat na natamo ko sa ibang parte ng katawan?"

"Oo, mukha ang puhunan mo. Kapag may galos ang mukha mo, eh 'di papanget ka niyan. Paano na kita mamahalin niyan?"

Pumitas ako ng dahon sa bouquet na nasa tabi ko at inihagis iyon sa mukha niya. Balak ko sanang ihagis 'yung bouquet mismo kaso sayang din. Loko-loko kasi eh. Ibig sabihin, mukha ko lang minahal niya?! Dahil lang maganda ako?!

"Uy, joke lang naman! Siyempre natutuwa ako dahil hindi ka nagpatalo kay Miriam. Kung tutuusin ay 'di hamak na mas maraming kalmot sa mukha ang natamo niya kaysa sa'yo. Ni wala ngang galos ang mukha mo," sabi niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Ako pa ba? Sa tingin mo magpapatalo ako sa mukhang baklang iyon?!"

Tumawa siya ng malakas habang tila natutuwa sa mga sinasabi ko. Nakapagtataka lang na best friend niya ang nilalait ko pero hindi man lang niya ipinagtatanggol. Tila natutuwa pa nga siya na nakipag-away ako sa best friend niya.

"Sandali nga, Vin..." Uminom ako ng tubig at kunot-noong hinarap siya. "Hindi ka ba nagagalit na halos kagagaling lang ni Miriam mula sa aksidenteng naranasan niya, tapos inaway ko pa siya ng gan'on?"

"Natutuwa ako dahil kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Sinabi ni Hudson sa akin ang lahat. I know that Miriam started the fight. Pero siyempre, mayroon din namang parte sa akin na gusto kang pagbawalan sa pakikipag-away. High school pa lang tayo, masyado ka nang bully, eh."

Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit ako nagiging bully...

"Eh kasi... She told me to... break up with you. Kung hindi ay gagawa raw siya ng paraan para maghiwalay tayo. Sino ba namang hindi magagalit doon?!"

He chuckled and leaned forward. Kumuha siya ng tissue sa tabi at pinunasan ang gilid ng pisngi ko.

"Iniinis ka lang n'on. Hindi mo na rin dapat pinatulan pa kasi alam nating dalawa na wala siyang magagawa para paghiwalayin tayo." Pinisil niya ang kanang pisngi ko. "Huwag na nga nating pag-usapan ang bagay na iyan."

Dahan-dahan akong tumango bilang tugon sa sinabi niya. We continued eating with our heart's content. Paminsan-minsan din niya akong kinukuhaan ng litrato sa hawak niyang camera.

Nang maubos namin ang inihanda niyang pagkain, he played something on his phone. A song suddenly played, kasabay ng pagtayo niya mula sa kinauupuan. He offered his right hand at while showing me his signature smile.

Gambling With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon