GWL# 17: SOMEONE'S JEALOUS

91 13 0
                                    

Note: Typographical and grammatical errors ahead

GAMBLING WITH LOVE

Chapter 17: Someone's jealous

Rhea Dorielle Andrade


"KAMUSTA na si Miriam?" pambungad na tanong ko nang maupo kami sa bench.

Tanaw mula sa pwesto namin ang malawak na field kaya nanatili na lamang ang tuon ko sa mga lalaking naglalaro ng football.

"She's quite recovering from the bruises she got. Nakapagfile na rin siya ng complaint d'on sa nakabangga sa kanya."

I noticed from my peripheral vision na kinuha niya 'yung kulay blue na tumbler sa bag niya bago uminom dito. Kagaya ko ay nakatingin din siya sa field habang sinasabi iyon.

"That's good."

I shifted on my seat a bit kasi medyo awkward ang atmosphere at hindi ko alam ang sunod na sasabihin.

Why are we even here? Akala ko ba mag-uusap kami nang masinsinan?! He's wasting my time.

"Ayaw mo ba akong kasama?" He asked out of the blue.

Inilapag ko ang libro sa tabi ko at kinuha ang bag ko para ilapag sa lap ko, hugging it.

"Why'd you ask all of a sudden?"

Inilipag niya ang hawak na tumbler at isinandal ang kamay sa bench. I almost hitched my breath for a second dahil para siyang nakaakbay sa akin. Kapag isinandal ko ang likod ko ay mararamdaman ko ang kamay niya kaya todo iwas ako sa pagsandal.

"Wala lang."

My forehead creased at his statement. Ano ba 'yun? Wala lang?

"What made you think that way?"

"I... I don't know."

I heave a sigh. Para siyang ewan.

"What do you wanna talk about anyway?" I asked, wanting to finish this talk right away.

Baka kasi atakihin na ako sa puso dahil kanina pa mabilis ang tibok nito magmula pa lang nung hinatak niya 'yung kamay ko. Asar.

"Anong sinabi ni Demi sa'yo kanina?" mahinahong tanong niya.

Nakakapanibago naman siya. Anong meron at parang iba ata ang aura niya ngayon?

I sighed again before answering his question.

"Nagtanong lang siya about sa nangyari kahapon. She was wondering if we had a fight." He faced me but I remained looking at the field, "Sinabi kong nagkatampuhan lang tayo... ng kaunti."

"Ahh..."

"Y... Yeah."

And then silence enveloped us again. Ano bang nangyari? Hindi ako sanay! Mas gusto ko pang inaasar niya ako eh.

"Hey, are we good?" hindi na nakatiis pang tanong ko.

He chuckled and answered in a nod, "Oo naman."

"Are you mad at me? Why are you being like this?"

"What do you mean?"

"You're like this! You're... You're different."

His lips rose in amusement while raising his left brow.

"Anong nag-iba sa akin?"

I hugged my bag tighter and looked down on my shoes.

Gambling With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon