Ellie Marie Raegan
POV
Kakatapos lang ng last subject namin sa umaga at agad kong niligpit ang kagamitan ko. Nagluto ako kanina ng favourite na pagkain ni Alex which is bulalo and im so excited na tikman niya ang niluto ko.
Malapit na ang summer and tag init na ngayon, kahit ilang minuto ka lang nasa hallway pagpapawisan ka talaga. Todo punas ako sa noo ko dahil sa init. Kahit di ako naarawan pinagpapawisan pa din, myghad earth buti di ka nasunog.
Habang naglalakad lang ako may nakita akong dalawang babae tumatakbo.............tumatakbo papalapit saakin? Tumigil sila sa harapan ko at napahawak sakanilang tuhod dahil sa pagod. Ohh isa sila sa mga tinuruan ni Alex noon ah. Bat kaya sila tumatakbo papunta saakin pwede naman na maglakad lang para di mapagod.
"Si Alex." naghahabol ng hininga niyang sabi at umayos sa pagkakatayo.
"Si Alex, bat may kayakap siya na babae na sobrang ganda?!" agad naman napakunot noo ko ng sinabi ng kasama niyang babae. " Wait, kayakap? May kayakap si Alex na maganda?" tumango silang dalawa at tumingin sa may garden. Sinundan ko ang tingin nila at nakita na may kayakap nga si Alex and im sure kung sino ang kayakap niya. Malayo sila pero alam ko kung sino ang babae.
Tumingin ulit ako sakanila na nakatingin saakin na parang nag-aalala pero nginitian ko lang sila ng napakatamis at nagpasalamat bago naglakad papunta sa garden kung nasaan si Alex at ang bestfriend naamin NOON.
Pero baka may problema lang si Kate at pinapatahan lang ni Alex, pwede din yung sinabi niya na aagawin niya ulit si Alex, pero nahh wala na siyang pag asa kay Alex engaged na kami and no need na magselos ka self. Tandaan mo self engaged ka okay?
"Love? Kate? Bakit kayo nagyayakapan?" kita ko ang gulat sa mukha ni Alex at agad humiwalay sa yakap ni Kate na ikinatingin nito saakin at masamang tinitigan.
"Ahmm, kasi Love ahmmm heartbroken si Kate and pinapatahan ko lang siya." kinakabahan nitong sabi na ikinakunot ng noo ko at tumingin kay Kate na nakasmirk na ngayon . " And why is she smirking kung heartbroken naman pala siya?"
Wala pang one second at agad napatingin si Alex sakanya at tumingin din si Kate na parang iiyak na ulit. WTF "What are you talking about Love?" tingin ulit ni Alex saakin pero umiling nalang ako at hinawakan kamay niya. "Kain na tayo love may niluto ako ara sayo."
Nakatitig lang ito saakin then ngumiti at pinang interwined kamay namin. "Gusto mo ba sumama saamin Kate?" tumingin naman si Kate saakin at ngumiti. "Sure! May dala din akong pagkain sayo Alex." at pinakita nito ang dala niyang eco bag na may lamang mga tupperware.
"Wow, where should we eat?" nag-usap kami saglit at napagdesisyonan na dun sa puno kung saan kami lagi tumatambay. "Dito pa rin kayo nagtatambay? Wow ganun niyo ba ako ka miss especially ikaw Alex" tinitigan lang siya ni Alex at tumingin saakin then ngumiti.
"Before ka dumating dito na talaga tambayan namin Kate." Narinig ko nalang na nag "tsk" ito pero di ko na iyon pinansin at inihapag ang tela para lapagan namin at inilabas na ang mga tupperware sa bag ko at inihapag dun.
"Bakit amoy bulalo? Eww" agad naman akong napairap sa pag-iinarte niya at humarap kay Alex na nakatingin ito saakin. "Nilutuan mo ako ng bulalo?" tumango ako at pinakita sakanya ang laman ng tupperware.
"Uy wait lang!" agad niya kasi kinuha saakin ang tupperware at kumuha ng kutsara sa bag niya at tinikman ito. Pinagmasdan ko ang mukha nito habang ngininguya ang karne nito. "Masarap ba? Ok ba ang timpla ng sabaw? Malambot ba ang karne?"Sunod sunod kung tanong, hindi ako nito sinagot kaya agad naman akong kinabahan at yumuko. Di ata masa-
"Masarap" agad naman ako napatingin sakanya na nakangiti na ito ngayon. "Masarap, reading ready na mag-asawa" bigla naman ako namula sa sinabi niya sa last part. Kagat kuko kung pinigilan pagtili ko sa kilig at huminga ng malalim, natatakot na mapahiya.
" Ahem" agad naman ako napatingin kay Kate na masama ang tingin nito saaki pero agad naman ngumiti ng napatingin sakanya si Alex. " Tikman mo din eto Alex, luto toh ni mommy, forgot ano name ng dish." agad ko naman kinuha sakanya ang bulalo at nilagay yun sa lapag, kinuha ko ang dalawang tupperware sa bag ko na may lamang rice.
"Hmm, masarap talaga ang luto ni tita. Pakisabi sakanya na ang sarap niyang magluto." ngumiti lang si Alex sakanya kinuha ang tupperware saakin na may lamang rice at nagsimula na siyang kumain.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin todo dikit naman si Kate sakanya habang ikinukwento kung ano nnagyari sakanya doon sa Japan, habang si Alex naman nakikinig lang habang kumakain. Tinignan ko ang ulam mala[it na maubos yung niluto ko kaysa kay Kate na parang siya lang ang kumakain.
Alex really hate vegetables, pero pag si mama ang nagluto kakainin niya especially yung adobong gulay. Sa susunod yun naman lulutuin ko baka magkasakit toh, puro karne ang kinakain.
Tapos na kaming kumain kaya binalik na ulit yung tupperware sa bag ko. "Ellie tara na, ihahatid na kita." tumango ako at tatayo na sana ng agad tumayo si Alex at inilahad ang kamay nito na ikinangiti ko. Kahit kailan sobrang gentleman talaga niya.
Tumayo na ako at napasinghap ng bigla niya ako hinalikan, sa harapan ni Kate! Humiwalay ito at tumingin sakin na namumula na sa hiya. The f bat bigla nalang niya ginawa yun sheettt!
"Aheemm excuse me nandito pa ako guys, tsk." sabay irap niya kaya agad naman ako napasmirk, akin lang siya di mo siya maagaw hmpp bleeeh. "Ohh nandyan ka pa pala, sorry." sabay tawa ni Alex, napangiti lang ako na nakatingin sakanya at naglakad na kami papunta sa room.
...........................
YOU ARE READING
She Who Break Us Apart
Teen FictionShe who break us apart and you let her do that Alex. ~Ellie Experience the lovestory or the heartbreak story of Ellie Marie Raegan.