Chapter 4: Mall

9 4 0
                                    

Ellie Marie Raegan

POV

"Sige na Ellie, tulungan mo naman ako ohh. Magmall kayo ni Kate ngayon at maging close. Para din may oras ako para mapaghandaan date namin."

Nakatitig lang ako sa chinat niya at ibinaba phone ko at pumasok sa cr. Tsk agang aga bwisit nanaman ako. Pumasok ako sa shower at nagsimula ng maligo. 

Sa lahat ng ipagagawa niya yun pa talaga? Ok saakin na ako bumili ng pagkain nila or bumili ng bulaklak pero makipagclose sa babaeng yun at tanungin mga gusto niya? No way na gagawin ko yun. Napairap nalang ako sa iniisip ko at inabot ang sabon. 

3 months na ang nakalipas and yes dahil sa babaeng yun napapalayo na ang loob ni Alex saakin. Dahil sakanya di na kami sabay umuwi at sabay pumasok. Simula nung naging sila one month ago parang nakakalimmutan na ako ni Alex. Kakausapin lang ako kung may problema or may kailangan saakin.

Nang matapos akong maligo tumingin ako sa salamin. Hindi naman ako pangit, maganda din naman kutis at katawan ko. May harap may likod din. Bakit dun pa siya nagkagusto sa kate na yun. Tsk

Naghahanap ako ng damit nang tumunog phone ko. Kinuha at tinignan ang caller id, Witch is calling. Napasigh nalang ako at sinagot, "Hello?"

"Oh my god, buti at sumagot ka, kanina pa kita tinatawagan bess." sabi niya na naiirita. Tinawag niya pa ako ng bess, feeling close.

"Bakit ka napatawag?"at umupo sa bed ko,sigh. "Eh sabi ni Alex pupunta daw tayo ngayon sa mall para magbonding, dont worry si manong albert maghahatid saatin ngayon." Nagkasalubong naman kilay ko. 

"Excuse me? Sinabi yun ni Alex"sabi ko, napapikit nalang ako atpinakalma ang sarili.

"'Yes bes, sinabi niya yun, kaya bilisan mo na dyan then punta ka dito sa bahay, bye bess love you mwuah!" at pinatay na niya ang tawag. Nakatitig lang ako sa pader ngayon at nagdadalawang isip kong sasamahan ko ba siya or hindi. Tumunog ulit phone ko at tinignan. Voice record sa messenger, pinindot ko naman ito.

"Thank you Ellie, susunduin ko kayo mamaya, magchat ka lang."at nag end dun ang record. Wow ang galing, dahil sa magaling kong bestfriend magkakasama kami ngayon ni bruha. Tumayo nalang ako at naghanap kung anong susuotin kong damit.

Alexander Marondra

POV

"Ok na ba lahat? Yung kakanta mamaya ok ba?"Tumango naman sila at napangiti naman ako. Tinignan ko ang paligid na sobrang ganda, im sure matutuwa dito si Kate.

Good thing may restaurant si mom kaya kilala ako ng mga tauhan dito. Maganda din ang place na napagtayuan ni mom ng restaurant dahil nas abundok at kita ang whole city. Excited na ako sa mangyayari mamaya, monthsary na namin ngayon, grabe ang bilis ng panahon. 

"Aalis muna ako, kayo muna bahala dito, mag-aayos lang ako para gwapo ako sa harapan ng girlfriend ko."

"Naku sir kahit di ka na mag ayos gwapo ka pa din, sige sir kami nabahala dito."sabi ng manager na nakangiti. Ngumiti din ako at naglakad na palabas sa restaurant at pumunta sa barbero para magpagupit ng buhok. 

Maya naya lang ay nakarating na ako at pumasok. "Good afternoon sir, anong klaseng gupit gusto niyo?" tipid lang akong ngumiti sakanya at umupo.

"Kahit ano basta bagay saakin, kung maganda yung gupit saakin at bagay bibigyan kita ng malaking tip" agad naman kinuha ng barbero ang kanyang mga kagamitan. 'Kinuha ko naman phone ko at tinext si Ellie.

"Musta ang shopping niyo? Nakabili na ba si Kate ng magandang damit?"at sinend ito, tumingin ako sa salamin at nagsimula ng gupitin buhok ko, seryoso ang mukha ng barbero.

Naramdaman ko nalang na nagvibrate phone ko, tinignan ko naman ito. "Ang tagal pumili and hey wag ka magtext saakin. Galit ako sayo tsk." Napatawa nalang ako at nagsend ng heart emoji. Na-i-imagine ko na si Kate na nakasuot ng magandang damit tapos natural lang make up niya. Tapos yayakapin niya ako dahil nagustuhan niya yung suprise ko. And dun sa date na yun hahalikan niya ako,ughh shet nakakabakla, para akong babae nito.

Ellie Marie Raegan

POV

"Ellieeeeeee, bagay ba saakin?" ika limang try outs niyang damit. Peke akong ngumiti at tumango. "Yan nalang kukunin mo, mas bagay pa yan sayo,nakakaputi" kunin mo na kapagod na dito, date lang naman yan urghh. 

"Hmmmm, sige sige maganda din naman tong yellow. Thank you!"at pumasok naman siya sa changing room. Napahilot ako sa sintido ko. Hays salamat naman after 30 minutes or almost 30 minutes nakapili na siya. 

"Ok ka lang po maam, mukhang stress ka ahh"sabi ng sales lady. Tumango lang ako at ngumiti sakanya. 

"Tara na"sabay ngiti saakin, kinuha naman ng sales lady ang mga damit niya. "Saan po dito kukunin mo maam?"

"Yang kulay puti at kulay goldish ewan anong color yan"napatawa naman ang sales lady sa sinabi niya. pshh napairap nalang ako.

"Bakit dalawa kukunin mo?"tumayo ako at sumunod naman kami sa sales lady. "Sayo yung kulay gold saakin naman yung kulay puti yieeeee, so friends na tayo ah?" Gusto niya talaga na maging friends kami? ang sarap sabihin na ayoko nga pero wag nalang.

Binayaran niya ang dalawang damit at kinuha yung nilayan ng damit, lumapit at pinulupot niya yung kamay niya sa kamay ko. Nice naman.

"Sooooo, tapos na tayo sa dress, sa shoes naman tayo yieeeeeeee." exxcited niyang sabi at napairap nalang ako sa sinabi niya at sinundan siya.

She Who Break Us ApartWhere stories live. Discover now