"This is an announcement for passengers in PR736 bound to Bangkok, Thailand. The flight is overbooked. We are looking for passengers who are interested to take a later flight in exchange for a travel voucher or extra miles credit. Any passenger who is interested should see a ground personnel near Gate 4." ang pumailanlang na anunsyo sa buong paliparan.
Tahimik siyang nanananghalian sa isang coffee shop sa loob ng NAIA Terminal 2. Paubos na ang kanyang kinakain ngunit nangangalahati pa lang ang umuusok na kape. Nakabuklat ang isang notebook kung saan nakapatong ang isang pen.
Wala pang nakasulat dito. Blangko.
"Again, this is an announcement for passengers in..." ang pag-uulit ng anunsyo.
Isinuklay niya sa kulot at mahabang buhok ang kanyang kaliwang kamay. Hanggang panga ang haba nito. Saglit niyang nilinis ang suot na salamin bago tumayo. Isinilid niya sa itim na body bag ang notebook at pen. Isinukbit niya sa magkabilang balikat ang isang backpack na naglalaman ng lahat ng kanyang dalang gamit para sa trip na iyon. Bitbit ang kape, lumabas siya sa coffee shop at nagtungo sa check-in area.
Saktong kakatapos lang ng anunsyo nang tumigil siya sa harap ng isang ground personnel. Tumayo ito at nginitian siya.
"Hi, good morning!" ang bati nito sa kanya.
"Hi. I'm flying in PR736. And I'm willing to give up my seat..."
"Thank you for responding on our announcement. May I see your passport and itinerary, please?" ang magiliw na sabi nito sa kanya.
"Here you go... But I don't want to have the travel voucher or extra miles. Is it possible for me to have an upgraded seat in the next flight?" ang sabi niya.
"Let me check first. Please bear with me." ang sabi nito bago muling tumingin sa screen sa kanyang harapan. "I see that you have already checked-in online. Have you printed your boarding pass?"
Isang iling lang ang kanyang sagot.
"Okay. Looks like we can honor your request, sir. However, the next flight to Bangkok is expected at four in the afternoon. Will that be ok with you?" ang nakangiting sabi sa kanya ito.
Sinilip niya ang oras sa kanyang relo. 12:45PM. Hindi naman ganon katagal ang kanyang ipaghihintay. Wala rin naman siyang hinahabol na oras.
"So, business class sa 4PM flight, right?" ang pagkukumpirma niya.
"Yes, sir."
"Alright. Fine with me."
"Very well." Ibinalik sa kanya ang kanyang passport at itinerary makalipas ang ilang sandali. Kasama nito ang kanyang bagong boarding pass kung saan nakalagay na ang kanyang assigned seat sa business class area ng eroplano. Muling inulit sa kanya ng check-in attendant ang detalye ng flight at binilugan ang gate number at boarding time.
BINABASA MO ANG
Wait for Me in Chiang Mai
RomanceHe gave up his seat in exchange for an upgrade in the next flight. What comes next is a chance he never saw coming.