'Ela POV'
Nag b-blower ako sa buhok ko ngayon habang nakaharap sa salamin at tinitingala ang mala dyosa kong kagandahan.
"Why so beautiful, gorgeous and pretty ma'self?"
Napapangiti ako na parang baliw dito sa CR, ng matapos nakong magblower ay lumabas na akong nakasuot lang ang tuwalya, dumiritso ako sa closet at namili ng susuutin, medyo natagalan ako sa pagpili, maarte kasi ako pagdating sa mga susuutin gusto ko ako lagi ang bida, wala naming aangal kasi kung meron man susuntukin ko dzuh, walang ambag sa buhay ko eepal pa sa damit. Sa huli napili ko ang one shoulder dress na above the knee masyadong sexy talaga, kaya napangiti ako sa salamin habang umiikot ikot ditto na parang baliw, skin tone one shoulder dress plus I am wearing a partyschuche sandal it was also the same color with my dress.
Hindi nako naglagay ng kung ano anong kolorete sa mukha because I was born beautiful, no need for make up ang tanging nilagay ko lamang ay makapal na pulang lipstick.
Wala talaga akong magawa ngayon at biglang naisipan ng lintik kong utak na uminom, hindi pa naghihilom ang sakit ng damdamin ko kay Luke kaya tama lang na ibuhos ko ito sa alak at trabaho. Pagkalabas ko ng room ko, payapang hallway ang bumugad sa akin.
Wala naman sigurong aswang dito o maligno para mang multo diba?. Inilagay ko sa small shoulder bag ko ang cellphone at nagsimula ng maglakad, nakarating ako sa bar na pupuntahan ko at namangha talaga ako sa ganda. Kung kasama ko lang sana si Elle ngayon ede sana masaya, siya taga buhat ko pag lasing. Habang nakaupo sa bar counter ay dinialko ang number niEllein.
["Bruha! Ba't ngayon ka lang napatawag!"] sigaw nitong bungad sa akin, hindi na ako magtataka bungangera to pagdating sa akin at demanding ng oras kala monamanjowa.
"Baka naman busy ako mamser, nagpunta lang ako ng Australia nagka amnesia kana"
Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya na ikinanguso ko.
"Nong oras na ba diyan?, Alas syete na noh?"
["Yes, 2 hours ahead ka ng time ngayon, nasa Australia ka remember?"] parang nangiinsulto ang tinig niya kaya mas lalo akong napanguso.
"I remember ofcourse! Kala mo sakin Gaga?"
["Where are you? Don't tell me nasa gala ka?"] aniya nito na para bang nahuhulaan ang mga lahat na ginagawa ko
"What do you expect? Hindi naman ako manang para mag stambay don sa hotel at makipagtitigan sa kisame diba? You know me I want a thrill and fun"
["Tsss, baka san ka mapapadpad diyan sa pagiging thrill at fun mo ah]" aniya nito na natatawa pa ["Loka loka ka pa naman"] dagdag nito.
"DUhh! Ako pa nabuhay nako mag isa"
["Oo nga, pero ang tanong pag nalalasing ka mabubuhay ka bang mag-isa?"]
Tinawanan ko siya.
"Here's your order ma'am" Inilagay ng Bartender sa harap ko ang inorder kong tequila na agad ko namang sinagot.
"Thanks" tipid kong aniya
["Wag ka magpalasing diyan, papakasalan ko si Luke pag nag lasing ka now"]
"Hoy! Wag naman, di pa ako naka move-on doon eh"
Muli kong narinig ang halakhak niya. ["Tangik! Di ko yun papatulan may bebe nako."]
"Talaga? Pakilala mo ko ah."
["Oo naman pagkarating mo dito char."]
"Oh sige na, magpa-party muna ako byers."
["Bye, ingat ka I love you"]
"I love you more" pinatay kona ang tawag at inilagay ang cellphone ko sa tabi ng tequila, kinuha ko naman ang baso ko at sandal itong pinagmasdan habang inikot ikot ng mahina, mabilis ko itong nilagok na para bang tubig lamang at mariin na napapikit sa lasa nitong dumaloy sa lalamunan ko.
Unti unti ng lumalakas ang tugtug sa loob kaya hindi ko mapigilan ang sarili na mapangiti, iginala ko ang paningin ko sa loob at tila ako lang yata ang walang kasama ngayon, gayon paman wala akong pake dahil buhay ko naman ito.
Muli akong lumagok ng alak at nag order na tila ba nasasarapan na sa lasa nito, hindi naman ako madaling malasing kaya naka-ilang tequila ako hanggang naisipang sumayaw sa dance floor, nasisindak ako sa ganda ng tugtug, kasabay pa non napapatalon ako at napapasigaw ng "Ohhhhh" "Yeahhh"
Para akong timang sa dance floor although may gustong makisayaw sakin pero hindi natutuloy dahil sa malikot kong kamay na nakakasakit sa lumalapit. Mabigat ang kamay ko, lalo na pag naka inom, tapos lilipad kahit saan, kaya sa mga nagbabalak na lumapit sa akin, wag ng magbalak dahil masasaktan lamang kayo.
Bumalik ako sa bar counter at muling uminom, hinugot ko sa aking pouch ang cellphine upang tiningnan ang oras, doon ko napagtanto ns alas dos na pala, inubos ko muna ang mga inumin ko dahil saying naman bago tumungo at sa CR , nararamdaman ko na ang pag-alon ng sahig ngunit ininda ko iyon upang maka retouched sa CR, inayos ko ang buhok ko at muling naglagay ng lipstick bago tuluyang lumabas sa CR at saka dumiritso na sa exit.
Medyo giwang giwang na ang lakad ko na parang timang ngunit pilit ko naming inaayos, hanggang sa nakalabas na ako ng maayos, buti naman at walang mga manyak dito. Agad akong naka para ng taxi, at muli kong naramdaman pagkahilon kaya napahawak ako sa aking ulo at pumikit ng saglit bago tuluyang sumakay.
"Please tell me if we're already there" tanging saad ko dito at napapikit.
"Yes ma'am"
Mababait ang mga tao dito sa Australia, siguro kung meron mang masasama hindi pa ako nakaka encounter, kaya mataas ang tiwala ko sa driver ngayon na mahahatid ako ng safe ate maayos. Ramdam ko ang pagkahilo sabayan pa nitong mabahong aircon ni manong driver, parang nasusuka na yata ako.
"We're here ma'am"
Iminulat ko ang mata ko pagkasabi ni manong driver at matapos kung magbayad ay bumaba akong pagiwang giwang. Kasalukuyan akong nasa harap na ng hotel ko ng bigla kong naramdaman ang pagkaduwal kaya agad akong napayuko at doon napasuka ng laway lang naman. Napahawak ako sa ulo ko ng tumindi ang aking pagka hilo ko.
Now I'm proud to myself nanakauwi akong mag-isa ngayon.
Pa Ika ika akong naglakad habang tinatanahak ang elevator, pagkarating ko sa harap ng room ko ay kinalkal ko agad ang bag ko upang hanapin ang card buti na lang ay agad ko itong nakita at hindi na nahirapan pa. Pumasok agad ako at ibinagsak ang sarili sa kama.
Naalimpungatan ako ng may kumalampag sa pintuan ko, kinuskos ko ang mga mata ko at inabot ang cellphone upang ma tignan anong oras na, alas kwatro pala at halos isang oras pa lang tulog ko, pikit mata akong bumangon at naglakad patungo sa harap ng pintuan saka maingat na, binuksan ito ang na nakapikit pa rin ang mga mata, nahihilo pa ako na medyo nasusuka ewan koba.
"Fix yourself, meeting will be right now"
Agad namulat ang aking mga mata at nakita ko kung sino ang nasa harapan ko. "Demicco?" Now na! as in now? Eh lasing pa ako putanginang yan!
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Completed) Published Under KM & H
RomanceIt doesn't matter where the plane going, What matter is you get on -Stay With Me Note: This is unedited, and a better version is in physical book, as well as the full chapter. Dm if you want to buy.