Chapter 37

63 23 6
                                    

'Ela POV'

"Ela, pasyal moko sa Cebu lalo na sa Moalboal ang Sabi don maganda daw ang lugar na iyon"-aniya ni Elle ng palabas na kami ng eroplano.

"Hmmm geh pagkamailabas ko na baby ko"

Abot langit ang kanyang ngiti habang nakalingon sa akin. Ngunit ako naman itong nakasimangot. Yumakap si Elle sa braso ko habang papalabas na kami ng airport, pagdating namin sa bahay mukha ni Clark ang bumungad sa amin.

"Oh?"-saad ko dito

"Buti at umuwi kana"

Taka ko siyang tiningnan at umupo sa sofa, napatitig siya sa tiyan ko, mag lilimang buwan na ito kaya maaaring nahahalata na.

"Buntis ka?"

Agad akong umiling "Busog ako, anong pinunta mo dito?"-pag-iiba kong aniya Hindi niya maaaring malaman na buntis ako dahil dapat si Demicco ang mauunang makaalam. Ngunit tila sumuko na iyon sa akin.

"Ah oo, Bukas na kasal namin ni Livvy invited ka at pati ikaw Kung gusto mong sumama"-alok niya kay Elle na busy sa cellphone nag-angat ito ng tingin sa amin saka umiling

"Sorry, full time duty ako tomorrow hindi ako makakaattend"

"Ayos Lang, eh ikaw Ela?"

Napabuntong hininga ako. "Pwedeng pass?"

Napanguso ito "Ang Sabi ni Livvy iiyak siya pag dika umattend"

"Seriously?"-taas kilay kong saad na tila Hindi makapaniwala.

"Oo kaya umattend ka, alas tres ng hapon ah, alis nako may aasikasuhin pa eh, yon Lang talaga hinintay ko para sayo"

"Geh, bukas"- walang nagawa kong aniya.

"Thank You!"-sigaw nito at nagtatakbong lumabas sa bahay namin.

"Sigurado ka bang kaya mo ng mag-isa Ela?"

"Elle, I'm okey, tsaka"-bumuntong hininga ako nakalimutan kong itanong kong andon ba si Demicco "Di naman ako sure kung andon si Demicco"

"Pano yang tiyan mo?"

"Kasama ko naman si Luke"

Magkaibagan na lamang kami ni Luke at mukhang natanggap na niya iyon, ngunit ang Sabi niya handa niya akong saluhin sa oras na malaman niyang wala na talaga kaming pag-asa ni Demicco.

"Ela you look beautiful"-aniya Luke ng pagkababa ko sa hagdanan at nakaabang siya sakin.

"How's your belly? Hindi ba masikip?"-nag aalala nitong tanong, he know that I am pregnant with Demicco, si Demicco na Lang talaga ang Hindi nakakaalam. Nakahanda na kami papunta sa simbahan, one shoulder dress ang sinuot ko na medyo Hindi fitted pagdating sa tiyanan Kasi may unting umbok na talaga ito. Inalalayan niya ako papasok sa sasakyan, dumidilim na, Hindi ako umattend sa kasal nila sa simbahan but sa venue na nila ako a-attend.

"Pag dating natin don, mukhang Hindi kita maaasikaso may kakausapin din akong trabaho doon eh"-aniya Luke ng nasa kalagitnaan na ng pagmamaneho.

"Hmm, ayos Lang"

"Just call me if you needed something okey? I'll check my phone always don't worry"

Tumango ako.

Pagkarating namin sa Venue ng kasal nila, malakas na musika ang bumungad sakin at makulay na ilaw, sobrang ganda ng paligid na makikita mo ang bulaklak Kung saan saan. Nahagilap ng aking mata sila Livvy at Clark na nakaupo sa harapan at halatang masaya ang kanilang mga Mata. May dala akong gift kaya unti unti akong lumapit sa kanila ngunit agad napahinto ng makita ang nakangiting si Demicco habang nakikipag usap kay Clark. Tatalikod na Sana ako ng tawagin ako ni Livvy.

"Ela!! You came!"-at talagang tumayo ito at naglakad papunta sakin at niyakap ako, pinilit kong ngumiti dahil ramdam ko ang titig sa akin ni Demicco na ikinaiilang, humiwalay sakin si Livvy at nakita ko ang saya sa kanyang mga Mata.

Sana kaya kong maging masaya tulad mo Livvy.

"Congratulations Livvy"-seryoso kong aniya.

"Thank you, gumanda ka yata lalo ah"

Umirap ako "Mas maganda ka don't worry"-natawa lamang ito sakin at muli akong niyakap at may ibinulong ito sakin.

"I'll help you talk to Demicco"

Ng kumalas siya ay agad akong umiling. "No need, tanggap ko na Livvy, and it's okey"

Hinila niya ako papalapit sa gawi nila at nakita kong kompleto silang lahat maliban Kay Valerie.

"So since andito na tayong lahat,why don't you talk to Ela Demicco"-napatitig ako kay Clark Ng sabihin niya iyon at unti unting napalingon kay Demicco, nagtagpo ang aming paningin ngunit ako ang unang umiwas.

"Ayaw niyo Naman sigurong masira itong gabi niyo diba?"

"Noooo, it's okey handa na kaming sirain niyo ang gabi as long as magkakaayos Kayo"

Umiling ako at pilit na ngumiti at Muling Tumingin Kay Demicco.

"Hindi na naman natin maibabalik Yong nakaraan but all we need to do is move forward, a lot of opportunities waiting, at mas lalong hindi lang saming dalawa iikot ang mundo"

"Ela and Demicco needed a serious talk"-ani Livvy at inginuso ako at si Demicco naramdaman ko ang paghawak sakin ni Spenser na ikinataka ko. Hinawakan din ni Dim at Archer si Demicco.

Hinila nila kami sa loob Ng bahay nila at Sabay na ipinaharap.

"Kung Hindi Kayo magkakausap, mamatay na sa iyak itong si Demicco"- napatitig ako kay Demicco ng sabihin iyon ni Dim. Narinig ko ang pagsara ng Pintuan at tanging kami na lamang dalawa ang nasa loob. Tahimik sa loob at mahinang musika na nanggagaling sa Labas ang tanging ingay ngayon.

"Talk"

Titig na titig kami sa isa't isa.

"Anong gusto mong sabihin ko?"

"Tell me everything you want to tell me"

"I have nothing more to say because we have been done for a long time"

"No, start from the very start"

At dahil sadyang makulit siya muli kong naalala lahat ng hirap na dinanas ko nong mga panahong Wala siya sa tabi ko.

"You really sure you want to hear me?"

Tumango siya kasabay ng pagguhit ng aking Luha.

"Ayokong mag complain, ayokong magsalita kasi alam kong Wala akong karapatan"

"Just tell me everything what you wanted to say, I'm willing to listen and accept all word's you'll gonna say now"

"Demicco bakit ka ganyan?"-huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili sa mataas na mga salitang Matagal ko ng gustong gustong ibuhos sa kanya.

"Bakit sa tuwing nagmamahal ako, ako lage Yong talo sa huli? Bakit Kung kelan nagpapakatanga ako, doon ako iniiwan?"

Is it because I'm too numb? Or just because I'm blind of the truth?

To Be Continue🖤

Stay With Me (Completed) Published Under KM & HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon