Chapter 16

77 32 0
                                        

‘Ela POV’

Hindi ko mapigilan ang kabahan dahil maaaring magkakaharap na kami ng tuluyan ni Demicco, anlakas ng loob kong sundan ng sundan siya noon habang ngayon ay naduduwag na ng tuluyan, seriously ganyan ako kabaliw.

“Eat now Ela”

Kusa akong napatango at napasubo sa bibig.

“So your work gonna start after this?” tanong nito kaya muli ko siyang nilingon saka inismaran.

“Sabi mo eat now bakit ka pa nagsasalita diyan? heller ano to kainan with talking mouth ganon?”

Napangisi ito “I was just asking stop being nakakainis”

“At ako pa ngayon ang nakakainis, sinabi ko bang mabait ako?”

“Tcchhh, kumain ka na nga”

Muli akong sumubo “Ba’t walang gatas?” aniya ko ng mapansing walang gatas. Reklamador talaga ako at demanding pag si Luke ang kaharap, bahala siyang magdusa sa ugali kong parang ewan.

“Tsss, you didn’t said na umiinom kapa ng gatas Ela?”

“Alam mo kanina nagugustuhan na kita ngunit ngayon naiinis nako sayo ulit”

“So you’re saying that you hated me now?” tumango ako.

“Tsss, mood swing huh”

“Shut up and eat Luke!” ako na mismo ang nagpatigil sa kanya. Muli akong napatitig kay demicco dahil magkaharap kami ng inuupuan nito at ng akma na itong lilingon sa akin ay agad akong patayo at napaupo sa tabi ng upuan ni Luke, kaya napabuga ako ng hangin nh tuluyang makaupo na nakatalikod sa gawi niya.

Kingina, ba’t yata nagtatago nako ngayong andito na siya?

Bakit tila umurong lahat ng tanong ko?

“Oh nyare sayo?”

Nilingon ko si Luke at napakamot ng noo. “May lamok don kaya dito na Lang ako hehe”

“Tccchhhh, aminin mo na kasing na miss mong umupo sa tabi ko”

Umirap ako “Asa kapa”

“Ofcourse aasa ako tumabi ka eh”

“Shut up Luke, umasa ka kung gusto mo bahala ka dyan ket mamatay kapa”

Napahawak siya sa puso Niya “Ouccchh, ang sakit non tagos sa dibdib”

“Ba’t? May dibdib kaba?”

“Ela naman eh” natatawa nitong aniya.

“Shut up or Die?”

“Shut up na lang” pagsuko nito sakin na ikinangiti ko.

“Good, paki abot ng pagkain ko tipaklong”

“Say what?”

“I mean Luke”

“Tccchhhh” inabot ni Luke ang aking plato at inilagay sa aking harap na ikinangiti kong parang bata.

“Tcchhh such a childish”

“Muka mo childish”

Ramdam ko ang inis na kanina pang pinipigilan nito kaya tumahimik na lamang si Luke gawa ng nakakain nako ng maayos, tila nawala sa utak kong nasa iisang restaurant kami ni Demicco, bigla ay napatanong ako sa utak ko kung dito din Kaya naka check in si Demicco?, Napailing ako, impossible yon.

Hindi pa ako tapos ng nag ring ang phone ni Luke, nilingon ko siya ngunit nasa cellphone na ang paningin niya.

“Yes?” sagot nito sa tawag kaya muli kong itinuon ang paningin sa pagkain. Hindi ko na namalayan na andami ko na palang naubos na pagkain, shit! itong si Luke kasi ang dami daming pagkain.

“Meeting now?” napalingon ako sa kanya “As in now?” dagdag nito at kumuha ng tissue at lumingon sakin, hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa kaya tila natameme ako ng punasan niya ang gilid ng aking bunganga habang sumasagot pa din sa tawag.

“Yeah yeah I’m coming” aniya nito at ibinaba na ang tawag gayon din ang tissue inilayo na niya sakin at inilagay sa plato niya, tapos na pala itong kumain na hindi ko man lang namalayan.

“I have to go, for the business” nagkibit balikat lang ako at umiwas ng tingin.

“Sege alis chuuu!” pambubugaw ko sa kanya na tila para bang aso na basta basta na lamang pinapaalis.

“Tcchhh, di moko mami-miss?”

“Seriously Luke, umalis ka na nga, but wait!” halos sigaw kung aniya.

“What?”

“Bayad nato?”

Tumango siya “Yeah, gotta go see you tomorrow”

“Hmm ”tinanguan ko na lamang siya at ayon umalis na ng tuluyan, ng mawala na si Luke muli kong naisipang andito si Demicco. Napapikit ako at napasapo sa sarili kong noo.

“What should I do now?”

Tinapos ko na ang aking pagkain at nakayukong lumabas sa restaurant, dumiritso ako sa elevator at patakbong pumasok sa room ko, pagkarating ko sa kwarto anlakas ng tibok ng puso ko.

Andito na si Demicco ngunit hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin. Na interrupt ako sa aking pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko.

“Yes?”

[“Ms. Menzel”] sambit sakin Ng Secretary ko.

“Hmm?”

[“I have a good news”]

“Yeah I already know”

[“Talaga po?”]

“Paulit ulit?” mataray kong aniya

[“Sorry po, and by the way po, your meeting will gonna start in a minute”]

“What time?" tumingin ako sa relo ko upang eh check, it's already 4 pm tagal kong nakatulog pala at inabot ng hapon ng pagising.

["4:20 Po"]

"Okey thanks" ibinaba ko na ang tawag saka dumiritso sa banyo upang maligo at ipaghanda ang sarili, matapos ko lahat lahat ng kaartehan ko sa Katawan, except sa mukha maganda nako no need to wear make up, lipstick is enough to enhance my beautiful face.

I check my face in the mirror before leaving my room, nakaabang na ako sa pagbukas ng elevator, nakakabagot nga dahil sa tagal ngunit kusa na din itong bumukas ng ipinagdiwang ko dahil walang tao, magiliw akong pumasok dito at pumwesto sa gilid, pinindot ko ang pa down tsaka umayos ng tayo, ilang saglit akong nakatitig sa reflection ko sa elevator since nakikita ko at nasasalaminan ng elevator ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bumukas ang elevator at laking gulat ko kung sino ang nasa harapan ko.

Demicco, napahawak ako sa aking puso na tila nag uunahan sa pagtibok, nagtagpo ang aming mga titig dahilan para lumakas lalo ang tibok ng aking puso, hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon, excitement ba? Kaba? Inis? Or takot?

Unang umiwas ng tingin si Demicco at pumasok na ng tuluyan sa elevator, wala itong naging kibo sa akin, tiningnan ko siya sa repleksyon ng elevator nagbabakasakaling nakatingin siya sa akin ngunit diritso ang tingin nito at wala sa akin. Lahat ng salitang inipon ko para sa kanya tila naglaho na parang bula. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Hindi ko na napigilan ang sarili kong lingunin siya at sabay kagat sa pang ibaba kong labi.

Bakit yata naging invisible ako sa harapan niya? Na parang hindi niya nararamdamang may kasama siya dito sa loob ng elevator. Napalunok ako dahil sa mas lalo akong naguluhan, ng akma na sana akong magsasalita ay biglang bumukas ang elevator at nauna itong lumabas sa akin ni hindi na niya ako nakayanang lingunin, lumabas ako sa elevator ngunit nanatili sa harap nito at napatitig sa likod ni Demicco na papalayo na sa aking gawi.

Hindi ko na talaga maintindihan si Demicco, feels like hindi niya ako kilala? At tila nakalimutan niyang may kilala siyang Ela.

Ano ba talaga Demicco? Nakakalito na nga tong sarili at damdamin ko, dumagdag kapa.

 

A;N- I'm sorry ngayon Lang naka update sa storyang ito, I promise babawi ako dito. Thank you for reading!🖤🖤🖤

Stay With Me (Completed) Published Under KM & HMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon