Chapter 29

44 24 0
                                    

'Ela POV'

"Demicco"

Tawag ko dito ng makasakay na kami sa kotse niya, nilingon niya ako.

"Need something?"

"What if hindi natin malalabanan sila ng maayos?"

Ngumiti siya at lumapit sakin upang halikan ang aking noo.

"We'll win this battle Ela trust me okey?"

Tumango na lamang ako at pinaandar na niya ang sasakyan dumiritso kami sa hotel, pagpasok namin sa kwarto niya malinis na ito na para bang walang nangyari. Dumiritso ako sa kama at umupo doon, nagkatitigan kami ni Demicco.

"What's your plan?"

"Nothing"

I raised my eyebrows "Seriously Nothing Lang? Pano naman ako Wala kang plano sakin?"

Matamis itong ngumiti sakin at humalikipkip ito sa harap ko.

"Is plan really important to you?"

Tumango ko "Ofcourse"

"Well my plan is"

"Is what?"

"My plan is to marry you"

Napakurap kurap ako, totoo ba Yong narinig ko? Pakakasalan niya ako?

"Marry me without a Feelings?"

"You'll gonna find out if I have or no feelings Ela"

"How?"

"Find it out"

"Tccchhh"-inirapan ko ito.

"Ready your things we're flying back to Manila"

Napasinghap ako Hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya.

"Totoo? Paano Yong trabaho natin dito?"

"Someone's gonna continue it for us"

"Eh?"

Biglang tumunog ang Pintuan hudyat na may bisita kaya agad itong ipinagbuksan ni Demicco mas lalo akong namangha dahil maleta ko na iyon. Hinagisan ako ni Demicco ng damit.

"Change your clothes"

Tinanguan ko na Lang ito at dumiritso na sa CR. Ngunit ng humarap ako sa salamin ay Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa aking sarili, tila may nagbago sa akin, mas lalo yata akong pumayat, sa kasagsagan ng pagsusuri ko sa aking katawan ay nahinto ang paningin ko sa tiyan ko. Nangunot ang noo ko, ba't yata nagbago ang hugis nito?. Bigla ay napaisip ako.

Kelan nga ulit ako huling dinalaw?

Ilang saglit akong nag-isip ngunit agad napasinghap ng maalalang tatlong buwan na pala akong Hindi dinadatnan, noon una akala ko dahil Lang sa stress ako, ngunit ngayon iba na pakiramdam ko.

Sheeettttttss.

Hinawakan ko ang tiyan ko.

Possible kayang Buntis ako?

Napalunok ako at napailing. Kaya ba siguro madalas ang pagkahilo ko?. Matinding kaba ang naramdaman ko. Wala pa kaming closure ni Demicco, hindi to maaari. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking Luha, natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin. Nasapo ko sarili kong noo.

Paano ko sasabihin kay Demicco to? Natabunan ko ulit sarili ko, tanga di ko pa naman sure kung buntis ako. Magpapa-Pregnancy test pa pala ako. Ngunit hindi ko maiwasang maiyak. Umiiyak ako habang naliligo.

Nalilito.
Natatakot at
Nasasaktan ako sa mga oras na ito.

Mahigit isang oras akong namalagi sa loob ng banyo, ng sinulyapan ko ang mukha sa salamin, buti na Lang hindi mahahalatang umiyak ako galing. Nakasandal sa sofa si Demicco ng paglabas ko, nakapikit na ito, Hindi ko mawari kong tulog o Hindi. Kaya lumapit ako sa maleta ko at kinuha ang cellphone don. Nakita ko ang madaming missed call ni Luke.

"What took you too long in the CR?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Demicco, tumayo ako at humarap sa kanya.

"Shower"-malamya kong sagot

"Let's go?"

Tango lamang ang tanging naisagot ko at akma na sanang hahawakan ang maleta ng pinigilan ako ni Demicco.

"Let my men's carry your thing"

Tinitigan ko siya bago tumango muli.

"Dumiritso na kami sa airport, hanggang sa pagdating namin sa Airport ng NAIA. Pagkasakay namin sa sasakyan ay doon Lang ulit ako kinulit ni Demicco.

"You been quite the whole day?"-

Hindi ko siya nilingon at nakadungaw Lang ako sa bintana ng sasakyan. Malapit ng bumaba ang araw kaya nagiging orange na ang paligid. Pati ang mukha ni Demicco orange na din. Hindi ko kayang maging maingay sa ngayon, sobrang dami ng iniisip ko, at sobrang gulo ng isipan ko.

"Ela"

Ka-inis, ang ingay ingay nito.

"Ela naman eh"

Isa pa masasapak ko nato.

"Ela Kasi-"-i cut him off from speaking.

"Ano nga?"-mataray kong aniya.

Nakita ko ang pagnguso niya na tila ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Bigla tuloy nawala lahat ng iniisip ko at napalitan ng galak.

"Why are you like that? Bakit ang tahimik mo? Hindi ako sanay na ganyan ka"

"Masanay kana".

"No, I prefer the Maingay na Ela kesa itong pagkakatulad niyong dalawa ngayon"

Bigla ang nawala ang galak ko at napalitan ng pagkalito.

Pagkakatulad naming dalawa nino?

"Pagkakatulad nino?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Someone from my past"

"Who?"-usisa ko

"Never mind, anyways we'll go to Archer's house first. They invite us for dinner"

Hindi na ako umimik hanggang sa ipinarada na niya ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.

"Let's go"-aniya nito ng ipinagbukas ako ng pintuan sa kotse, walang imik akong bumaba at sumunod sa kanya. Maganda ang bahay halatang mayaman din ang may-ari na tulad ko char

"Demicco!! Wazapp Dude"-sigaw ng Isa sa mga lalaking nakaupo sa sofa. Apat na lalaki ang naka upo dito na halatang mga barkada niya ito. May biglang umakbay sakin at paglingon ko pamilyar na babae ang nakita ko.

San ko nga ito nakita?

"Remember me?"

Napakamot ako sa ulo ko, ito na yata epekto ng over thinking ko, nakalimutan ko na Sino tong babaeng to.

"Tssss, It's me Livvy remember at the hospital?"

"Ah"-naalala ko na kaya pala ang familiar ng mukha niya.

"Halika"-hinila niya ako papunta sa di ko alam na lugar. Ayon pala kusina ang pinasok namin. Nakita ko ang isang babae na kumakain ng strawberry sa Lamesa habang ang Isa ay may niluluto.

"So this is Valerie"-turo niya sa babaeng kumakain ng strawberry, ngumiti ito sa akin ng napakatamis, halatang halata sa mukha niya na Mabait itong babaeng ito.

"Hi Ela right?"

Nginitian ko din ito "Yeah Ela"

"Nice to meet you"

Ngumiti Lang ulit ako bilang pabalik, Hindi talaga ako friendly sa mga Tao, Hindi ako mahilig makipag kaibigan dahil hindi ko talaga yon gawain.

"And that is Kiely"-turo niya sa babaeng nakatalikod na kasalukuyan pang nagluluto. Ngunit kalaunan ay lumingon ito sa gawi namin.

"Hiii"- malaki ang ngiti nitong saad sakin, mukhang mga mababait ang mga ito o sadyang mabait lang sila kapag unang kita o pangalawang kita. Ewan ko ba andali kong mangjudge kapag pagkakaibigan na ang pag-uusapan dahil talagang mapili ako sa pagpili ng taong kakaibiganin.

To Be Continue🖤

Stay With Me (Completed) Published Under KM & HTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon