Chapter 4

96 60 0
                                    

Autumn's POV

Wala na kaming nagawa ng idismiss kami ni Dean.

Mabilis namang lumabas ng opisina si Rence at Mia. Samantala ay inalalayan naman ako ni Sky.

"Looks like we're doomed Autumn", nag-aalalang pahayag sa akin ni Sky ng makalabas na kami ng opisina.

"Narinig ko Sky, ipapatawag nila sina Mom", naiinis kong saad sa kaniya.

"Kung hindi mo kasi.........",

"I know, kasalanan ko na okay, but I'm not regretting it though, and nunca akong hihingi ng tawad sa babaeng iyon", I said nonchalantly.

"But what you did is wrong, kahit saang anggulo tingnan ay mali ka at dapat tanggapin mo iyon", patuloy pa rin kami sa pagtatalo habang naglalakad papuntang parking lot.
I've decided to go home na lang since wala na akong gana pang umatend ng mga klase ko ngayong araw.

"She's cheating on him, bakit ba ayaw ninyong maniwala sa akin", pagmamatigas ko.

"Okay, let's say that you are right that she's cheating, pero mali pa rin na ginanoon mo iyong tao, you could have told us nicely not the other way round", he said.

"Hindi ko na napigilan eh, anong magagawa ko", tinaasan ko pa siya ng kilay at nauna ng maglakad.

I'm so tired of his sermon, wala na rin magbabago kahit pa paulit-ulitin pa niya ang kasasabi sa akin eh.

Sumakay na ako sa passenger seat at hinintay siya, maya-maya lang naman ay nandiyan na siya, he immediately drove off home.

"What if hindi na lang muna natin sabihin kina Mom", bigla na lang ay nasabi ko habang si Sky ay tutok naman ang atensiyon sa daan.

"Patatagalin mo lang iyon Autumn, pero hindi mo mapipigilan", pabalang niyang sagot sa akin.

"That's it, kung patatagalin ko ng konti makapag-iisip pa ako ng posibleng soulsyon para hindi sila gaanong magalit sa atin", I said as if that was the greatest possible solution to my problems.

"Solusyon? Nagpapatawa ka ba", nang-aasar niyang saad sa akin.

"You know what, what if instead of mocking me eh nag-iisip ka na rin ng posibleng solusyon sa problema natin", asik ko sa kaniya.

"Wala ka nang maiisip pa na posibleng solusyon A, it's just Mia and Rence, sila lang solusyon, kung mapakikiusapan natin sila na huwag nang ituloy ang reklamo laban sa iyo eh wala na tayong magiging problema pa", pagpapaliwanag niya.

"Eh bakit pa kasi gusto nilang kausapin sina Mom, masyadong ginagawang big deal", asik ko na naman. I'm really problematic right now.

"Pwede ba A, stop your rants already kasi wala naman iyang magagawa", nayayamot na saway sa akin ni Sky kaya naman I just shut my mouth up at sumandal na lang upuan.

Maya-maya pa ay nakapasok na kami sa gate ng mansiyon. Nagkatinginan pa kami ng pinsan ko ng makita ang dalawang sasakyang nakaparada sa harap mismo ng bahay.

We immediately get off the car and went straight the house.

"Oh, you're here honey", agad na lumapit sa akin si mom para halikan ako sa pisngi. Napakalawak ng pagkakangiti niya sa akin samantala ay napakalakas naman ng kalabog ng dibdib ko dahil sa hindi maipaliwanag na kaba.

Napatingin naman ako kay Sky na yakap yakap naman ni Tita Celine.

"Wala ba kayong mga klase", nabaling ang atensiyon ko kay dad ng dahil sa tanong niyang iyon. I was caught off guard, shit, I mentally curse myself.
Sky help me, please.

"Uhmm, masama po kasi ang pakiramdam niya Tito so I've decided to just bring her home para makapagpahinga", agarang sagot ni Sky na para bang narinig ang pakiusap ko.

"Is that so?, how are you feeling then honey", malambing na tanong sa akin ni dad, salamat talaga kay Sky.

"If that's the case then you should rest first, let's just talk later on dinner", nakangiting pahayag ni mom.

"Baka naman pinababayaan mo itong si Autumn kaya nagkakasakit", iiling-iling na saad ni Tito Fred na nasa kay Sky ang atensiyon.

"Oh of course not Tito , in fact Sk-y, I mean kuya is taking good care of me", pagtatanggol sa pinsan ko.

"Ikaw talaga Hon", pagalit naman ni Tita Celine sa asawa.

"Excuse us first, ihahatid ko na po muna si A sa kwarto niya", paalam ni Sky.

"Of course iho",

"Oh yes son", magkakasabay pa nilang sagot.

At hinatid na nga ako ni Sky sa kwarto.

"What are we going to do now Sky", nagpapanik na tanong ko sa kaniya. I can't help it, nagsimula na akong umikot ng umikot, lakad parito't paroon.

"Calm down A, we don't have any choice right now but to tell them what happened bago pa man sila maipatawag ng school", I looked at him na hindi makapaniwala.

"What? Are you out of your mind", bwisit na buhay oh!

"Ewan ko, but I think na mas hindi sila magagalit kung sa atin na mismo manggagaling ang paliwanag kaysa sa iba", yeah, I got his point, but natatakot ako.

"Natatakot ako Sky, I know na magagalit sila", naiiyak na talaga ako, and there tears start to escape from my eyes.

Mabilis naman akong dinaluhan ni Sky. He caressed my back and hushed me down.

"Hush, tahan na, ano ba Autumn, sa tingin mo ba ay pababayaan kita, of course not, I'll be right here to support you so don't worry", he said comforting me.

"Bu-t,".........

"Come on A, don't be a cry baby hindi bagay sa iyo", nang-aasar na saad niya. Yeah, that's Skyler, he's just not my cousin, he's my bestfriend, my buddy, my brother, my comforter, my joker, my supporter and sometimes my basher, he's my everything, and I can't imagine my life kung wala siya.

Mga bata pa lang ay nandiyan na siya para sa akin, he treats me as his most valuable and precious possession. I am his princess since he doesn't have a younger sibling. And I treat him the same way too, he's my prince, my knight and everything. Ganoon lang talaga kami mag-usap pero mahala na mahal namin ang isa't-isa. Naalala ko tuloy nung nabasag ko iyong mamahaling jar na nabili ni mom sa China, mom was mad that time and asking who broke it, then Sky admitted the guilt for me that's why siya ang napagalitan. He told me that he was fine, he said na gagawin niya daw ang lahat para sa akin.

I continued crying on his arms, hindi ko na tuloy namalayan na nakatulog na pala ako.

"Rest for now little sister, babalik din ako mamaya, may klase kasi ako ngayon sa major eh", naulinigan kong sabi niya ng maihiga niya ako sa kama.

I was too tired to open my eyes so I just let it to be that way. Afterwards, I heard na sumara ang pinto, indicating that he already left.













To be continued.........................

Don't forget to vote. Thank you.

Breaking My Heart (On-Going)Where stories live. Discover now