Chapter 11

84 45 0
                                    

Autumn's POV

"Excellent, job well done anak, I knew it, I knew na hindi mo ako bibiguin", masayang pahayag niya sa kabilang linya na ang tinutukoy ay ang pamamahala ko sa kompanya namin dito.

"I'm forced to do it, what do you expect?", walang ganang sagot ko.

It's been years mula nang makita ko siya. Huli na iyong panahon na pinuntahan niya ako noong 19th birthday ako. I told him na huwag na akong bisitahin pa, alam ko din naman na lihim niya akong pinasusubaybayan sa kaniyang mga tauhan, so what's the use of visiting me. We always talked on the phone, that became our means of communication. As of our relationship, it turns out to be like this at wala na akong magagawa pa doon, after all siya din naman ang dahilan kung bakit kami nagkaganito.

"You can go home now", masayang saad niya, so I guess this is the good news he's been talking about.

"It's good hear na hindi pa ninyo nakalilimutan ang pinag-usapan natin noon", I said.

"Ginawa ko iyon para sa ikabubuti mo, I hope you would come to understand it", malungkot niyang saad.

"I'll hang up now, bye dad", iwas ko sa usapan, hangga't maaari kasi ay ayaw kong pinag-uusapan namin ang bagay na iyon, madalas kasi ay nauuwi lamang kami sa pagtatalo and that's the least thing thag I want to happen.

Mabilis kong tinungo ang aking silid, I took off my clothes and immediately go the bathroom para magshower.

I wear a big black- shirt printed with a dirty finger and a short shorts underneath it. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang numero ng sekretaeya ko.

"Hello", bati ko sa kaniya.

"Hello Miss, do you need anything?", tanong nito sa akin.

"Cancel all my appointments for this week, aalis kasi ako", syempre hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon, uuwi na ako para makitang muli ang pinsan ko at ang nanay ko.

"Ah, about that Miss, your father told me already, so you don't need to worry", she said.

"Okay, thank you, can you get me a flight para bukas", call me desperate, I don't care, limang taon kong hinintay ang pagkakataon na ito so I don't want to waste any time.

"Ipapadala ko na po sa bahay ninyo ang tickets, your dad have me booked you a flight already", muli niyang saad na ikinabigla ko.

"Okay, thank you", then I ended the call.

Wala na akong inaksayang oras, inimpake ko na ang mga dadalhin kong gamit, I received my tickets already,  8:30 a.m. tomorrow ang alis ko, I need to be at the airport at 7:30 a.m. well hindi pa naman ako excited niyang lagay na niyan.

Maaga rin akong natulog. I want to surprise them, iyon lang ang tanging nasa isip ko.

KINABUKASAN.............................

I got up from bed at 6:00 a.m. Nagdiretso na ako sa banyo para maligo. After taking a bath, I do my make-up, I applied a minimal amount to make it looked like more natural. I wear a plain white dress partnered with my plain flat shoes. Kinuha ko na din ang jacket ko, at ang isang maletang damit na inihanda  ko kahapon at agad na tinungo ang garage. I drove off to the airport, ibinilin ko na lang sa sekretarya ko na kunin ang kotseng iiiwan ko sa airport.

"Good morning Ma'am", bati sa akin ng guwardiya sa airport.

"Good morning", matipid na bati ko dito.

Nagdiretso na ako sa waiting area at ilang sandali pa ay...

"Passengers of flight 012, you may proceed to gate number 5", malakas na pag-aanounce na umalingawngaw sa buong lugar.

"Passengers of flight 012, you may proceed to gate number 5", pag-uulit pa nito.

This is it, the last time na aalis ako, I was filled with tears but now I am filled with joy and excitement, very far from what I have been before.

Matagal ang biyahe ngunit hindi ko ito namalayan sapagkat natulog lamang ako sa buong biyahe. Nagising na lang ako nang ianunsiyo na ang paglanding namin.

After kong makuha ang bagahe ko ay mabilis na kong nagtungo sa labas upang kumuha ng taxing masasakyan ko pauwi. I checked my phone and saw na magtatanghali na pala.

"Kuya, sa Townsville Village lang po", saad ko kay kuyang driver at tsaka sumandal sa upuan.

Parang ang bilis talaga lumipas ng oras ngayon, saglit lang kasi ay narating na namin ang gate ng village. Hinarang kami ng mga guwardiya.

"Ma'am, hanggang dito na lang po ako", sabi pa ni Kuyang Driver.

"Wait Kuya, kakausapin ko lang sina manong guard", bumaba ako sa taxi at nagpakilala, humingi pa sila ng paumanhin sa akin.

"Here Kuya, take this, thank you", sabay abot ko sa 2,000 peso bill.

"Ay maraming salamat po Ma'am", pahayag nito sa akin.

"You're welcome", matapos iyon ay hinila ko na ang maleta ko papasok ng bahay. Mukhang walang nakapansin sa presensiya ko dahil wala man lang sumalubong sa akin. Well, okay lang naman para talagang surprise ang pagdating ko. Laking gulat pa ni Manang Felicia nang makita niyang paakyat na ako sa hagdan.

"Jusmiyo, ikaw na ba yan Autumn", bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

"Yes I am, Manang", nakangiting bati ko dito.

"Where is Sky?", excited na tanong ko dito.

"Pumasok sa trabaho Iha, pasensya ka na at hindi namin namalayan ang pagdating mo", paghingi nito ng paumanhin.

"It's okay, I know you're busy anyway, mayroon po bang kotseng hindi ginagamit sa garahe", tanong kong muli.

"Mayroon, teka at kukunin ko ang susi, saka nga pala saan ka nagpunta? Alam mo ba na sobra ang pag-aalala sa iyo nina Ma'am", tuloy-tuloy na sabi nito.

"Sorry Manang, later ko na lang ikukuwento sa inyo, pupuntahan ko muna si Sky sa kompanya, I want to surprise him", wala talagang pagsidlan ang kasiyahan ko.

"Oh siya, siya", gusto pa sana niya akong tanungin pero wala na siyang nagawa.

Mabilis kong tinungo ang dating silid ko para magpalit ng damit. Wala nang pahi-pahinga, puro tulog na din naman ang ginawa ko sa buong biyahe eh.

I wear a silver crop top sleeveless top partnered with an above the knee fitted denim skirt, I get my 5-inches black heels and wear it. I applied make-up, this time I applied a thicker one, pinili ko din ang pinakapulang shade ng lipstick ko. Then I tied my long wavy hair into a messy bun. Perfect!! Kinuha ko na ang silver na aling bag ko na kapartner ng pang-itaas kong damit. I am just so ready to go.

Maya-maya pa ay bumaba na din ako, agad ko namang nakita si Manang na naghihintay sa akin.

"Ito na pala iyong susi Iha", sabay abot sa akin ng isang pamilyar na susi.

"Salamat po", magalang na saad ko dito nang matanggap ang susing ibinibigay niya.

"Hindi ka ba kakain man lang muna", tanong pa nito.

"Kay Sky na po ako sasabay", pagdadahilan ko, ewan ko ba pero hindi talaga ako nakararamdam ng gutom, dala siguro ito ng matinding pagnanais ko na makitang muli ang taong pinakaaasam kong makita sa loob ng mahabang panahon.

Kaya naman talagang wala na akong inaksayang panahon pa, mabilis kong pinaharurot ang kotse ko patungo sa Saavedra & Andrada Corp.



















To be continued................................









Don't forget to vote, thank you.

Breaking My Heart (On-Going)Where stories live. Discover now