chapter 22

139 7 0
                                    

Chapter 22-

Saan tayo pupunta kamahalan?" Tanong ko .tumayo kasi sya at mabilis na umalis sa kanyang silid pagkatapos kumain.

Hindi nya ako kinibo at nagpatuloy lang sa paglalakad .sumunod nalamang ako sa kanya wala rin naman na akong gagawin .

Kinausap ka naba ng emperor?" Biglaang tanong nya .kumunot ang noo ko at naguluhan sa sinabi nya .

Huh?" Naguguluhang tanong ko .

Mukhang hindi pa nga sya kinausap " hindi ko narinig ang sinabi nya dahil tila bulong lamang iyon sa kanyang sarili .nilingon ko sya at  tinitigan .binabasa ang pagbuka ng kanyang bibig .ngunit wala akong napala dahil hindi ko rin naintndihan .

May sinasabi ka po ba kamahalan?" Tanong ko .ngumiti lamang ito at umiling .ngumuso ako .mukhang hindi nya nga sasabihin .paasa amp!

Sa kakalakad nya ay nakarating kami sa may dulo nitong palasyo .malapit sa paliguan ng mga tagasilbi .

Pinagmasdan ko syang nililibot ang paningin sa paligid.nukhang ngayon lang sya nakapunta dito .

Ngayon ka lang po ba nakapunta rito kamahalan?" Tumango ito .tama nga ang hinala ko .

Ano bang lugar na ito?" Hindi nya ako tinignan bagkus ay mas minabuti nitong tignan ang paligid t pagmasdan .

Papunta na po tayo sa paliguan ng mga katulong kamahalan"

Natigilan sya at laglg ang pangang bumaling sa akin .

Naguluhan ako sa kanyang reaksyon .

May problema ho ba kamahalan?"

Let's go somewhere else" yun lamang ang isinagot nya sa kin .

Gusto kong magtanong kung bakit ngunit hindi ko na ginawa .sumunod akong muli sa kanya .

Mangha kong inilibot ang paningin sa  paligid .ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito!

Isang lawa ang aming nasa harapan .

at puro ito lotus! Siguro'y dito nila kinukuha ang sangkap na inilalagay sa mga tsaa na aming sinisilbi!

Ano ang lugar na ito kamahalan? "

Lotus pavillion ang tawag sa lugar na ito"

Tumango ako at muling binaling ang tingin sa lawa .

Malinis at malinaw ang tubig sa lawa .sa katunayan nga ay makikita mo ang iyong imahe sa tubig .

Pinagmasdan ko ang aking repleksyon .

Hindi nagbago ang itsura ko ,ganitong ganito rin ang itsura ko sa tunay kong panahon .ang pagkakaiba lamang namin ay ang aming mga kasuotan at ang kulay at style ng aming mga buhok

Sa panahon ko mahaba at Blonde   ang kulay ng buhok ko at  may kulot sa ilalim.

Dito naman ay mahabang kulay green ang buhok ko .na lagi pang nakatali .required kasi sa lahat  ng tagasilbi rito sa  palasyo ang pa fukang style ng buhok .

(Ganito sya )

Habang nakatitig ako sa sariling repleksyon ay naisip ko si xialin na totoong may ari ng katawan na gamit ko .asan kaya ang kaluluwa nya? Babalik pa kaya sya? babalikan nya ba ang buhay nyang nasa akin na ngayon? Pero kung babalik nga sya ay paano na ako? Patay na ako panigurado sa panahon ko dahil masyadong malakas ang pagkakabagok ng aking ulo noong nabangga ako. masyadong maliit ang tyansyang buhay pa ako at comma lang sa panahon ko .

Bumuntong hininga ako bumalik man sya o hindi habang wala sya ay poprotektahan ko ang katawan ko at mabubuhay sa panahon na ito .

Tumingin ako sa aking mukha ganoon parin ang mukha ko ,parehas na parehas sa panahon ko .chinky brown eyes ,pointed nose at maliit na labi .
Labi ,walang kahit na anong pampapula ,namimiss ko nang maglipstick o liptint manlang .

Napangiti ako ng maisip na nasa bag ko nga pala ang pang make up ko!Bakit ko nga ba nakalimutan?Geeez.

Stop smiling para kang ewan" napawi ang ngiti ko sa sinabi nya .ngumuso ako at inirapan sya .

Pati ba naman pag ngiti ko ipagbabawal pa nila? Aishhh! Nakakainis na ang  panahon na to!

Stop pouting ,mukha kang pato" nanlilisik ko syang tinignan .fuck! Ngayon lang ako nasabihan na mukhang pato kapag ngumunguso .

lagi kasing sinasabi ng iba na ang cute ko raw ngumuso kaya naman nakasanayan ko nang gawin iyon .

Ang dami kayang nagsasabi na ang cute ko,tas ikaw porket prinsipe ka ay pagsasabihan mo ako ng ganyan?"

Tinaasan nya ako ng kilay .

What? Cute?"
nanliit ang mata ko .ibig sabihin ba non ay di sya naniniwalang cute ako?
Dapak?

Yes cute! I'm cute! "

You are? " tumango ako

Ano ba ang cute?" Tanong nito.natigil ako at tinitigan syang mabuti .shet! Hindi ba nya alam ang ibig sabihin non?

Hindi mo ba alam ibig sabihin non?" Umiling ito .

Magtatanong ba ako kung alam ko tsk" pabalang na sabi nito .

Heh! "

Ano ang ibig sabihin ng cute?" Kuryoso nitong tanong .

Tumikhim ko at di makapaniwalang tumingin sa kanya .hindi nya nga alam mga ser!

Binuka ko ang bibig ko upang magsalita ngunut agad ko ring tinikom .

Mahirap ipaliwanag ang bagay na iyon.

Wag mo nang intindihin ang salitang iyon kamahalan"

Bakit?,ano ba kasi ang ibig sabihin non?" Pangungulit nito .

ang hirap ipaliwanag kamahalan basta kapag cute ako agad yon,tapos!" Nanahimik sya sandali .iniisip ang sinabi ko .

Ok " huling wika nito .


the prince babyWhere stories live. Discover now