Chapter 23
Pasado tanghali na ng mapagpasyahan nyang bumalik na dahil gutom naraw sya .gusto ko pa namang magtagal at tignan ang mga lotus ngunit wala akong karapatan .
Hindi riyan ang daan papuntang silid nyo kamahalan" saway ko sakanya .iba kasi ang direksyon na tinatahak nya .
Sinabi ko bang sa silid ko tayo babalik?" Nakataas na kilay nitong sagot .
Ah hehe ,hindi po kamahalan" labas sa ilong na ani ko .
Saan rito ang papuntang silid ninyo?" Napanganga ako sa sinabi nya dapak? Tama ba rinig ko?
Doon?" Turo ko sa daan .tumango ito at ngumiti .
Ipagluto muna ako ng pagkain ,dalhin mo sa silid ninyo doon ako kakain."
Pero kamahalan,hindi maari"
Bakit hindi?"
Eh kasi po kamahalan ,baka magalit sa akin ang emperor at hindi po ba prinsipe kayo"
Tumaas ang kilay nya sa sinabi ko .
Paki ko sa emperor? And wait ano naman kung magalit sya sayo ,ayaw mo?" Tinitigan nya ako ng matalim .
Hindi po sa ganon kamahalan"
Tsk ,dumiretso kana sa kusina at ipagluto ako ,stop talking and do your work"
Eh-" hindi nya na ako pinansin at nagumpisang maglakad patungo sa aming silid .
Ano ba kasing gagawin non at sa silid pa namin?
Hindi naman sa ayaw kong papuntahin sya roon kaso makikita nya angmga imbensyon ko .masyado na syang maraming alam tungkol sa akin .
Ayaw ko na baka magtaka sya kung paano ko naiisip at ginagawa ang mga imbensyon ko .
At kung saan ko nakuha ang mga ideyang iyon.
Malalim na buntong hininga ang ginawa ko at dumiretso nalang sa kusina .
At nagluto ng pagkain ng prinsipe .
...
jun'ye pov .
Mangha kong nilibot ang aking tingin sa silid nila xialin .
Pagkapasok ko palang ay bumungad na sa akin ang maliwanag na silid at
Kulay asul ang makikita sa buong paligid .
Dumako rin ang tingin ko sa mga dekorasyon ng silid .
Kakaiba ang mga gamit at disenyo ng loob .
May mga telang nakasabit sa bintana na tila pantabing sa araw .ngunit hindi iyon naging dahilan ng pagdilim ng paligid dahil sa isang bagay na nakasabit sa taas na nagbibigay liwanag sa buong silid .
Mayroon ring mga larawan ng kung anong bagay ang nakadikit sa dingding . na mukhang ginuhit pa ng isang magaling na pintor!
Nakakamangha!
Kumunot naman ang noo ko ng madako ang tingin sa mga kakaibang bagay na nakapatong sa lamesa .
ano ba to?" Mahinang tanong ko .hawak ko ang isang maliit na parisukat na bagay .
Pinakatitigan ko ito ,ngunit hindi ko mapagtanto kung ano ang bagay na ito .
Tinignan ko rin at pinagmasdan ang iba pang kakaibang gamit sa silid .lahat ng ito ay bago sa aking paningin!
Kamahalan" napalingon ako sa aking likuran .
Eto na po ang pagkain nyo kamahalan" Tumango ako at lumapit sa kanya .
Ano ang mga bagay na iyon?" Pinagtuturo ko ang mga kakaibang bagay na nakita ko .
Mga imbensyon ko po iyon kamahalan" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya
kakaiba ang mga bagay na iyon ,paano mo naisip anc ideyang ganoon?" Tanong ko .
napakurap kurap sya sa sinabi ko at natatarantang nagsalita .
Ahhh ehh ,p-pumas-sok lang p-po sa i-isip ko yan kamahalan " nauutal nitong ani .kinunutan ko sya ng noo .
Tinignan ko rin sya ng matalim ,binabasa ang kanyang naiisip .
Katulong kalang ba talaga?" Mariing tanong ko .
O-opo k-kamahalan" nauutal na ani nya .
A-ah kamahalan lalamig na po ang pagkain nyo" hindi sya makatingin sa akin habang sinasabi iyon .
Ramdam kong may kakaiba sa babaeng to ,hindi nya man sabihin ay aalamin ko kung sino nga ba sya talaga .
Hindi maaring ang isang katulong na gaya nya ay may ganoong talento!
Kamahalan?" Napatigil ako sa pagiisip ng tawagin nya ako .masyado palang malalim ang iniisip ko.
Kumain ka narin ba?" Tinignan ko sya .umiling sya sa akin .
Halika rito at saluhan mo akong kumain" anyaya ko .
P-pero kamahalan-
Utos iyon " putol ko sa pagtanggi nya .ngumuso ito at sumunod sa akin .
Tumabi sya sa akin at nahihiyang kumain .
marcus" tawag ko sa isa sa mga shadow guard ko .
Mabilis syang lumabas sa kanyang pinagtataguan at lumuhod sa harapan ko .
Yes yourhighness"
Alamin mo kung ano ang katauhan ni xialin"
Napatingin sya sa akin .
Iyong tagasilbi po ba na nagdadala sa inyo ng pagkain?" Tanong nya.tumango ako .
Masusunod po kamahalan" tinanguan ko sya .
Mabilis itong umalis sa harapan ko at naglaho na parang bula .
Hindi mo man sabihin xialin kung sino ka ,malalalaman at malalaman ko rin ang tunay mong pagkatao .
....
End of chapter 23
YOU ARE READING
the prince baby
De TodoThealyn Sudler, a brilliant doctor and secret scientist/inventor, never imagined that a car accident would be the catalyst for her extraordinary journey through time. Awakening in an unfamiliar room and an unfamiliar body, she quickly realizes she h...