Prologue

20 0 0
                                    




~*~

"Bakit ayaw mong sabihin pangalan mo?" He asked, all of a sudden. Kanina lang ay ine-enjoy niya yung kape na hawak niya at yung view sa harap namin.

Napangiti ako ng mapait, "hmmm. Hindi ko din alam e," I answered, sipping on my hot chocolate, and also admiring the view. "Nagising nalang ako isang umaga, realizing na I should never tell anyone my name."

"Ang hirap naman 'non, paano kapag may nangyari sa'yong masama? Paano ka nila i-a-identify?" Tanong ninya ulit, this time diverting his full attention to me.

Natawa ako ng mahina nang makitang curious na curious nga siya sa isasagot ko. "That's why I have Charles with me, hindi pwedeng aalis ako sa bahay ng hindi siya kasama." Tumango-tango siya nang marinig yung sagot ko at ibinalik ang tingin sa nagbabadyang pagsikat ng araw sa harapan namin.

Maya-maya ay naramdaman ko ulit ang paglingon niya sa akin, "pwede ko bang malaman kung bakit mo narealize na 'wag nang ipagsabi yung pangalan mo?"

Napatingin ako sakanya, he's seriously asking that question. Bigla akong nakaramdam ng kilabot dahil sa guilt na pumasok sa sistema ko. Napabuntong hininga ako at napatingin sa cup ng hot chocolate na hawak ko.

"Well," I paused, tumingin ako sa sakanya at bahagyang ngumiti. Saka ako tumingin ulit sa sunrise. "It's unnecessary to tell my name to someone na mawawala din naman sa buhay ko after." I sipped on my hot chocolate when I didn't hear any reaction from him. "My name is cursed," I laughed, "lahat ng nakaka-alam ng name ko, maliban nalang sa mga katrabaho ko, sa tatay ko, at kay Charles, lahat sila nawawala."

~*~

FutureMD97

No NameWhere stories live. Discover now