Chapter 12

12 0 0
                                    

~*~

    "Miss?" Rinig kong tawag sa akin ni Charles. "Miss, you should wake up. Nakapag-land na po tayo," dadag pa nito.

I groaned. Kulang ang tulog ko. Dumilat ako at nag-adjust sa liwanag na tumama sa mata ko. Kakagaling lang naman ni Charles sa States, isinagawa na namin ang visitation sa mga hotels and resorts namin doon. Sa private jet ako sumakay papunta doon, dahil ayokong makasabay ang mga katrabaho kong maiingay. Hindi ako makakapag-relax.

    Inalalayan ako makababa ni Charles sa jet. Medyo nahihilo ako gawa ng kakagising ko lang at kulang talaga ang tulog ko dahil hindi naman ako nakatulog ng mabuti buong business trip. Hanggang sa pagsakay ng kotse ay inalalayan ako ni Charles. Pinagstay niya ako sa loob ng limousine, habang ikinakarga nila ang mga gamit ko sa isang sasakyan. Nang maikarga na nila lahat ng gamit ko ay pumasok na sa driver's seat si Charles.

    "I'll take you home now, miss," sabi nito.

    "No, Charles," pigil ko sakanya. "I want to see my darling, sa hospital tayo pupunta."

    Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Charles, "to darling it is," natatawa niyang sabi.

    Alam na ni Charles ang tungkol sa relasyon namin ni Jonathan. He was so happy when he found out, at last daw ay magiging matino na ako. Up until now, iniirapan ko pa ang sinabi niya na 'yon. I really do wish na mapatino na ni Jonathan ang buhay ko. Bago kami tumuloy sa hospital ay pinadaan ko na muna si Charles sa isang coffee shop. 8 AM palang at hindi pa ako nagb-breakfast gawa ng natulog ako buong byahe. Naisipan ko na din na bilhan si Jonathan, favorite niya ang Iced Americano sa coffee shop na 'to at yung cinnamon rolls.

Nang malapit na kami sa hospital ay sinipat ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing my Chanel varsity logo, oversized wool cardigan. Naalala kong binili ko 'to from their Fall/Winter collection and kapangalan siya ng best friend ko kaya nang makita ko 'to ay binili ko kaagad. I partnered it with a light washed skinny jeans and white sneakers. Tinitigan kong mabuti ang white sneakers na suot ko, at nang maisip kong pupunta ako kay Jonathan ay nagpalit agad ako ng shoes. I wore my Christian Louboutin, patent-leather white pumps instead. Kailangan maging presentable naman ako sa harap ni Jonathan. I sprayed on my favorite perfume and raked my fingers through my hair. Mabuti nalang at maganda ang kondisyon ng buhok ko ngayong arawa kahit na kakagaling ko lang sa business trip. Inilagay ko ang phone, card holder, and wallet ko sa white Hermes Garden Party bag na nakita kong nakalagay sa compartment ko ng bags dito sa limousine. Sinuot ko ang square sunglasses ko from Chanel.

    Nag-park si Charles sa harap ng hospital. Hawak niya ang mga pinabili kong food ay pumunta siya sa gawi ko para pagbuksan ako at para isilong ako sa payong na hawak niya.

    "Woah, mukhang bagong ligo ah," pang-aasar niya sa akin.

    "I'm seeing my darling after a month of business trip, Charles. I need to look stunning," nakangiti kong sabi.

     Natatawa akong inalalayan ni Charles papunta sa front desk ng hospital. Hindi ko tinawagan si Jonathan para sana masurprise ko siya. Nang makarating kami sa loob ng hospital, sa lobby, ay pinagtitinginan kami ni Charles. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin? Charles is wearing his suit and tie habang naglalakad sa likod ko. Sa set up namin mukha siyang body guard at ako ang artista. Tsaka Charles has an undeniably good looks, kaya nga nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon, e walang love life 'to.

    "Good morning, may I know where Dr. Fontanilla's office is?"  Tanong ko sa babae sa front desk.

    "Sino po sila, ma'am?" Nagtatakang tanong ng babae.

No NameWhere stories live. Discover now